Balita

Ika-76 na labas

- R.V. VILLANUEVA

IPINAGTATA­KA ni Leo ang inasal sa kanya ni Minda. Sinundan na lamang niya ito hanggang sa makapasok sila ng bahay, diretso sa kusina. Pabagsak pang inilapag sa mesa ng kanyang asawa ang mga pinamili.

“Me problema ba?” Puna niya. “Ikaw ang me problema?” Galit na dinuro pa siya. Pinangunut­an siya ng noo. “Ano bang ginawa ko sa ‘yo?” “Hindi sa akin, ke Tony. Nag-away raw kayo.”

Noon na niya naunawaan ang inasal nito. Pero paano nakarating sa kanyang asawa ang pangyayari­ng iyon? “Hindi kami nag-away,” giit niya. “Paanong hindi, e marami raw nakakita sa inyo, sinuntok mo siya.” “At kanino mo naman narinig?” “Ando’n sa mga makakating dila na nadaanan ko kanina.”

Napailing na lamang si Leo. Ano’t bawat kilos na lang yata nila ay binabantay­an ng kanyang mga kabarangay.

“Pero hindi nga nag-away.” “Sinuntok mo siya,” giit pa nito. “Oo, sinuntok ko siya, pero hindi kami nag-away. Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi niya sa akin. Nabigla ako.”

Nananatili­ng matalim na nakamata sa kanya ang asawa.

“Sinasabi niyang sangkot si Ruel sa pagbubunti­s mo,” patuloy niya nang mabasa niya sa mga mata ng asawa ang nais itanong nito.

Hindi umimik ang kanyang asawa. Biglang nawala sa mukha nito ang galit. At nang titigan niya ito, umilap ang tingin sa kanya.

“Kahit sino naman sigurong asawa, mapipika sa sinabi niya.”

“Hindi pa ba malinaw sa kanya, engkanto ang dahilan ng pagbubunti­s at pagkapanga­nak ko ng ahas?” Anito ngunit hindi nakatingin sa kanya. Napansin din ni Leo ang paglumanay ng boses nito.

“’Yon na nga ang sinasabi ko, pero talagang iginigiit niya, kaya ayon nasuntok ko.”

Ngayon ay nakatingin na sa kanya ang asawa. “At naniniwala ka naman sa k’wento ni Tony?”

“Ba’t naman ako maniniwala,” aniya. “E, alam ko namang narinig lang naman niya ‘yon sa mga kumakalat na tsismis.”

Napansin niyang umaliwalas ang mukha ng kanyang asawa.

“’Yon kasi ang napapala sa mga mahihilig makinig sa mga tsismis,” dugtong pa nito. “Ke lalaking tao, mahilig sa tsismis.”

Katamihika­n.

“Pero sa totoo lang, nagsisisi rin ako kung bakit ko s’ya nasuntok,” pagkuwa’y sabi niya. “Talagang nawala ako sa aking sarili.”

“Kasalanan naman niya, di ba?”

Hindi siya kumibo. Sa totoo lang, talagang kanina pa siya nakakaramd­am ng pagsisisi dahil sa ginawa niya kay Tony.

Ito na lang kasi ang kanyang nakakausap mula ng umuwi siya. Dahil karamihan sa kanilang mga taga-barangay, ilag nang kumausap sa kanya. Laging paiwas, na kesyo may naiwang gawain o may lakad pa. Kaunting kumustahan lang, hindi nagtatagal at walang malalimang paguusap. Hindi tulad ni Tony, matiyagang nakikipag-usap sa kanya.

“Mabuti nga at naawat ako ni Nanay,” pagkaraa’y nasabi niya. “Dahil kung hindi, baka nasundan ko pa.”

“Kasalanan naman niya, kung bakit naman kasi hindi siya nag-iingat sa binibitiwa­n niyang salita.”

“Pero ayokong masira ang pagkukumpa­re namin. Sa lahat ng mga kumpare ko, siya lang kasi ang pinaka-close ko.”

“Anong plano mo?”

“Hindi ko pa alam, hayaan ko na lang munang lumamig kami pareho.”

Sulyap lang ang naging tugon ng kanyang asawa.

“Pero bakit nga ba biglang umalis na naman si Ruel?”

Tila nagulat na napaigtad ang kanyang asawa. Muling umilap ang tingin sa kanya. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines