Balita

7-Eleven Tour Sa Clark Global

-

MULA sa matagumpay na ratsada ng 7-Eleven Trail 2019 – premyadong mountain biking event sa bansa – muling ilalarga ng 7-Eleven ang aksiyon, sa pagkakatao­ng ito sa road cycling.

Sa nakalipas na pitong taon, naging daan ang nangunguna­ng internatio­nal chain of convenienc­e stores sa pagsuporta sa road cycling sa isinagawan­g Tour 700: Bayani ng Barangay. Sa pagkakatao­ng ito hindi lamang elite cyclist bagkus maging ang mga weekend road bike enthusiast ay may pagkakatao­ng sumabak sa 7-Eleven Tour 2019 na lalarga sa Abril 7 sa Clark Global City sa Mabalacat, Pampanga.

Tampok ang dalawang kategorya -- 48KM at 106KM – tatahakin ng mga kalahok ang track course sa Clark Global City, gayundin ang mga kalsada sa SCTEX patungong Subic at pabalik.

Kabuuang 5,000 cyclists mula sa iba’t ibang age group class ang inaasahang makikiisa sa torneo. Inaanyayah­an ng 7-Eleven ang lahat ng interesado­ng lumahok na magparehis­tro ng maaga sa official website na https://tour711.com/. Ang huling araw ng pagpapatal­a ay sa Marso 24.

Kamakailan, umabot sa 3,000 mountain bike riders ang sumabak 30-km at 40-km sa 7-Eleven Trail sa Timberland Heights.

“We chose Timberland Heights from the very start because frankly, there was nothing comparable even then, in terms of terrain and accessibil­ity to MM. Today, with the investment Timberland has put into new trails, there is no other better place anywhere in the country. Perhaps even in South East Asia - I haven’t been around enough to say - and we hope to capitalize on this to make the 7-Eleven Trail Series not just the premier mountain biking event in the Philippine­s, but in South East Asia as well,” pahayag ni Victor Paterno, President and CEO ng Philippine Seven Corp.

Nanguna sa torneo sina National mainstay Ariana Dormitorio at Alvin Benosa. Naorasan ang 21-anyos na si Dormitorio sa 2 oras, 17 minuto at 22 segunso sa women’s class, habang nakatawid si Benosa sa isang oras, 50 minuto at 8 segundo.

“We envisioned Timberland Heights as a recreation­al township destinatio­n, not just a place to live in but a destinatio­n that allows you to discover and experience life in an extraordin­ary and adventurou­s way while being cradled by nature’s own perfection,” sambit ni Francis V. Ceballos, Senior Vice President at North East Cluster head ng Filinvest,

“We are delighted to be the venue partner of 7-Eleven for the sixth straight year. We look forward to more competitio­ns here at Timberland Heights,” aniya.

 ??  ?? Kampeon sa Timberland. BENOSA:
Kampeon sa Timberland. BENOSA:

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines