Balita

Gaticales, nanguna sa PECA executive

-

TANGAN pa din ni MVP Olympics PLDT Team Manager Martin “Binky” Gaticales ang pangkahala­tang liderato sa over-all grand prix standings (Challenger’s division) matapos makakolekt­a ng 29 points sa 2nd leg ng Alphaland National Executive Grand Prix Active Chess Championsh­ips.

Nasa solo second place si Engineer Angel Tambong Jr. na may 22 points habang nakabuntot naman si Atty. Rodrigo Aquino na may 21 puntos.

Ang mga nakapasok sa Top 10 ay sina 4. engineer Jay Arcenal (19 points), 5. Mr. Orlando Pascual (18 points), 6.Mr. Chris Cuntapay (17 points), 7. Laurence Wilfred “Larry” Dumadag (16 points), 8.Mr. Roman Espiso (15 points), 9. Mr. Roberto Manguiob (14 points) at 10. Mr. Arvin Olorvida (13 points).

Gaganapin ang 3rd leg sa Marso 16, dakong alas-diyes ng umaga sa Activity Hall, Second Floor Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City habang dadayp naman ang 4th leg sa Marso 31 sa Ayala Malls, Capitol Central, Gatuslao Street sa Bacolod City Negros Occidental mula sa initiative ni realtor Ernie Abanco at under ng guidance ni PECA Vice President for the Visayas NM Wilfredo Neri.

Inorganisa ng Philippine Executive Chess Associatio­n (PECA) sa pamumuno ni Dr. Jenny Mayor, ang 20-minutes plus 5 seconds increment time control format ay suportado ng Alphaland Makati Place at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP).

Para sa karagdagan­g detalye, makipag-ugnayan kina Atty. Cliburn Anthony Orbe (0918897441­0),Dr. Jenny Mayor (0935100475­5), Director Martin Gaticales (0999885143­2), Mr Joselito Cada (0949998194­9) , at Dr Alfredo Paez (0921272817­2).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines