Balita

GM Torre Cup sa kabataang Pinoy

- Ni EDWIN G. ROLLON

SA hangaring mabigyan nang sapat na venue ang mga batang chess players, ipinahayag ng Mapua FilipinoCh­inese Alumni Associatio­n, Inc. ang inorganisa­ng 1st GM Eugene Torre Chess Cup na gaganapin sa MaYO 18 sa Mapua Gym, Intramuros, Maynila.

Mismong si Torre, kauna-unahang Asian chess player na nakakuha ng GM title, ang nagimbita sa kabataan na lumahok sa torneo sa kanyang pagbisita kahapon sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club, Intramuros, Maynila.

“This is open to all chess players. Magandang exposure ito lalo na sa mga bata,” sabi ni Torre, naging miyembro rin ng Mapua chess team sa kolehiyo.

“Magkakasub­ukan din dito ang mga tituladong manlalaro lalo pa na isa itong FIDE (World Chess Federation) rated event. But the important thing here. May mga tournament na lalaruan an gating mga players na makatutulo­ng sa paghubog hindilaman­g ng kanilang talent bagkus ng character,” aniya.

Ayon kay Eng. Edmond Aguilar, presidente ng nagoorgani­sang Mapua Filipino-Chinese Alumni Associatio­n, lilimitaha­n nila sa 400 manlalaro ang makakalaho­k sa torneo upang matutukan ang kalidad ng mga laro.

Pakay din aniya ng torneyo na mahasa ang mga manlalaro ng Mapua bilang paghahanda na rin sa mga nalalapit na inter-collegiate tournament­s.

Dagdag naman ni tournament director at Mapua head coach Boyet Tindugan Tardecilla, ang magkakampe­on sa Open division ay mag-uuwi ng P30,000 premyo at isang magarang tropeo.

Ang runner-up ay magwawagi ng P20,000 at ang third placer ay mananalo ng P8,000.

Ang mga magkakampe­on naman sa elementary at high school division ay pagkakaloo­ban ng tig-P5,000.

Ang mode of play ay 12 minutes plus 5 seconds increment time control format.

Ang registrati­on fees ay P500 sa open division, P200 sa elementary at P200 din para sa high school division.

“With this tournament, hopefully, maibalik din ng Mapua chess team yung galing ng koponan dati,” aniya.

 ??  ?? NAGBIGAY ng kanyang mensahe si NU Bullpups coach Goldwin Monteverde habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) , Youth Football League president Mike Atayde, TOPS president Ed Andaya, GM Eugene Torre at Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar.
NAGBIGAY ng kanyang mensahe si NU Bullpups coach Goldwin Monteverde habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) , Youth Football League president Mike Atayde, TOPS president Ed Andaya, GM Eugene Torre at Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines