Balita

LINTIK AH!

Mayuming Fil-Am beauty, bumasag sa Philippine record

-

ILAGAN – Pinatunaya­n ni FilipinoAm­erican Natalie Uy na hindi lamang ang kayumihan ang maibibida para sa Team Philippine­s baskus ang husay at galing.

Ipinamalas ng US-based Pinay ang material na posibleng maipanabay sa Olympics sa kahanga-hangang recordbrea­king win women’s pole vault ng 2019 Ayala-Philippine Athletics Championsh­ip nitong Miyerkules sa Ilagan City Sports Complex.

Nilagpasan ng bagong recruit ni Philippine Amateur Track and Filed Assoaition (Patafa) president Popoy Juico ang 11-taong record na 4.11 meter na naitala ni Deborah Samson sa 2008 California Regionals sa gintong medalyang panalo na 4.12 meters sa kanyang unang pagtatangk­a.

“I was a little nervous the whole week but I just had to go out and play today,” pahayag ng Ohio native, naghintay ng pitong buwan para makumpleto ang mga dokumento at mapabilang sa National Team.

“It’s incredible. I’m very happy how it went out today. I’m just really happy to come over here,” aniya.

Kabilang siya siya sa line-up ng Philippine­s sa 2018 Asian Games sa Indonesia, ngunit hindi umabot sa deadline ang kanyang mga papeles at naibigay sakanya ang Philippine passport sa kalagitnaa­n ng kampanya ng Pinoy sa Asiad.

Kung walang pagbabagon­g magaganap, ang marka ni Uy ay sapat na para sa gintong medalya sa Southeast Asian Games – at bagong marka matapos maitala ni Chayanesa Chomchuend­ee ang 4.1 meters sa 2017 edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tangan ni U yang personal-best 4.30 meters na naitala niya sa ensayo sa Spain sa nakalipas na taon.

“Absolutely! Yes, I can do better than this,” pahayag ng 24-anyos na may lahing Cebuana. “With more training, yes, I can do better. I’m excited to train and bring home the gold this coming SEA Games.”

Nakumpplet­o ng Team Philippine­s ang pagwalis sa naturang event nang makuha nina Fil-Am Alyana Nicolas at Riezel Buenaventu­ra ang silvre at bronze medalya sa naitalang 3.80 at 3.40 meters,

ayon sa pagkakasun­od sa torneo na inorganisa ng Patafa sa pakikipagt­ulungan ng City of Ilagan, Ayala, Milo, Philippine Sports Commission, Soleus, L.TimeStudio, Cherrylume, Foton, Asian Athletics Associatio­n at Internatio­nal Associatio­n of Athletics Federation.

Sa 10,000 meters nakuha ng RP Team ang unang ginto nang pagbidahan ni Philippine Army’s Richard Salaño sa tyempong 31 minuto at 42.31 segundo laban sa kababayan na sina Philippine Air Force’s Rafael Poliquit (31:42:96) at Anthony Nerza (31:43:89).

Target ng Army Corporal na si Salaño na makopo ang thriple gold sa torneo sa kanyang pagsabak sa men’s 3,000meter steeple chase at 5,000 meters sa susunod na araw sa torneo na ginagamit na basehan para sa binubuong RP team sa SEA Games.

Nagpatuloy ang dominasyon ng Pinoy nang magwagi si Majayjay, Bukidnon native Christine Hallasgo sa women’s 10,000 meters sa tyempong 38 minuto at 39.27 segundo, laban kina Janice Nerza (42:36:27) ng Air Force at Maria Lyka Sarmiento (46:36:08) ng Adamson.

Nakamit naman ng beteranong si Janry Ubas ang gintong medalya sa men’s long jump sa layong 7.55 meters kontra kay reigning champion Julian Fuentes.

Pumuwesto lamang sa ikaanim si Malaysia SEAG bronze medalist Fil-Am Donovant Arriola sa 7.07 meters.

Kumubra naman sina Daynata Daniella (women’s discus throw) at Angel Carino (women’s triple jump).

 ?? RIO DELUVIO ?? PINATUNAYA­N ni Fil-AM Natalie Uy na may puwang siya sa National Team sa ibinidang bagong Philippine record sa women’s pole vault (kaliwa), habang may ibibida ang women’’s relay team na binubuo ng mga US-based Pinay sa 2019 Philippine National Open.
RIO DELUVIO PINATUNAYA­N ni Fil-AM Natalie Uy na may puwang siya sa National Team sa ibinidang bagong Philippine record sa women’s pole vault (kaliwa), habang may ibibida ang women’’s relay team na binubuo ng mga US-based Pinay sa 2019 Philippine National Open.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines