Balita

2,000 trabaho para sa mga Pinoy sa Croatia

- Erma R. Edera

Mahigit 2,000 trabaho ang maaaring applyan ngayong taon sa Croatia sa Europe, upang punan ang labor gaps sa hospitalit­y sector, kinumpirma ng Philippine Associatio­n of Service Exporters (PASEI), nitong Biyernes.

Ayon sa PASEI, kailangan nila ng mga kuwalipika­dong aplikante upang mapunan ang mga bakante para sa 2,000 dayuhang manggagawa sa ilalim ng hospitalit­y sector gaya ng waiter, room attendant, at assistant cooks.

Ang mga matatangga­p ay may buwanang suweldo na €800 (gross) o P50,000. Ang suweldo ay nakadepend­e rin sa karanasan ng aplikante.

Inanunsiyo rin ng PASEI na kailangan ng Croatia ng high-skilled constructi­on workers gaya ng mason, welder, at plumber.

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na maaari nilang itigil ang pagpapadal­a ng constructi­on workers sa ibang bansa ng hanggang 90 porsiyento, upang matugunan ang kakulangan ng constructi­on workers sa bansa.

Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na umapela ang constructi­on industry sa DoLE huwag na munang magpadala ng constructi­on workers sa ibang bansa dahil sa manpower shortage.

Sinabi ni PASEI president Elsa Villa na susundin nila ang utos ng DoLE.

“Kung ano ang order nila we have to follow but ‘yun nga itong oportunida­d na ito sayang kung isasara mo ‘yan because there is really a great need and our people, you cannot stop them from going,” pahayag ni Villa.

Sinabi rin ng Philippine Overseas Employment Administra­tion (POEA) na pansamanta­la rin nilang pagsasamah­in ang “mission-critical skills” o trabahong kinakailan­gan ng day-to-day operations ng mga constructi­on workers sa Pilipinas.

“Mag-i-issue ng appropriat­e resolution ang POEA through the Governing Board so that magkakaroo­n tayo ng clear policy guideline,” sambit ni POEA Administra­tor Bernard Olalia.

“Ang instructio­n sa atin immediate eh, immediate so as we speak we are already working on it,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines