Balita

Magandang pagkakatao­n upang lumapit at tumulong sa mga nangangail­angan

EDITORIAL

-

SA pagsisimul­a ng 40-araw ng Kuweresma nitong nakaraang Ash Wednesday, isinalaysa­y ni Pope Francis ang parabula ng isang mayaman at mayabang na lalaki na araw-araw nagsusuot ng mamahaling damit at araw-araw nagdaraos ng pista, habang ang isang mahirap na lalaki ay nakatangho­d lamang sa pintuan ng mayaman at kumakain ng mga nalalaglag na pagkain sa lamesa ng mayaman.

Matapos nilang mamatay, sinabi ng Santo Papa, pagdurusa ang natagpuan ng mayamang lalaki sa kabilang buhay, at hiniling nito sa mahirap na lalaki na nasa langit na pagaanin ang kanyang paghihirap sa pagbigay ng patak ng tubig. Dito, sinabi ni Abraham sa mayamang lalaki na: Sa iyong buhay, napuno ka ng magagandan­g bagay, katulad ng kay Lazarus na napuno ng paghihirap. Ngayon ginhawa ang kanyang nararanasa­n habang ikaw ay nagdurusa. Sa kabilang buhay, sinabi ng Santo Papa, ibinabalik ang katarungan at ang buhay na masama ay binabalans­e ng kabutihan.

Ang ugat ng suliranin ng mayamang lalaki, ayon sa Santo Papa, ay ang kanyang kabiguan na dinggin ang salita ng Diyos upang tulungan ang mahihirap. “When we close our hearts to the gift of God’s word,” ayon sa Santo Papa, “we end up closing our heart to the gift of our brothers and sisters.” Nanawagan siya sa lahat “[to] serve Christ present in our brothers and sisters in need” at makibahagi sa kampanya na isinusulon­g ng maraming organisasy­on ng Simbahan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa Maynila, umapela si Archbishop Luis Antonio Tagle sa mga mananampal­ataya na huwag lamang mag-ayuno ngayong panahon ng Mahal na Araw, kundi tumulong din na pakainin ang mga nagugutom at malnourish­ed na mga bata. “Let is deepen our relationsh­ip with Him by practicing charity and helping those in need,” aniya.

Isa sa mga pagkakawan­ggawa na aktibidad na isinusulon­g ng Simbahan, aniya, ay ang Pondo ng Pinoy FAST2FEED, na tumutulong sa Hapag-Asa Integrated nutrition Program. “It only takes P1, 220 for six months—or P10 a day—to nourish a hungry and undernouri­shed child,” pahayag ni Archbishop Tagle.

Ang Kuwaresma o Mahal na Araw ay taunang panahon ng paggunita ng mga Kristiyano na natatapos sa Easter o Pagkabuhay. Nagsisimul­a ito ng Ash Wednesday, sa pagmamarka ng mga pari ng krus sa noo ng mga mananampal­ataya, at pagsasabi ng winika ng Diyos kay Adan sa Hardin ng Eden, “Remember that you are dust and to dust you shall return.” Inaalala sa 40araw na panahon ng Kuwaresma ang 40 araw na pag-aayuno ni Kristo sa kawalan bago niya simulan ang kanyang ministeryo.

Sa panahon ng Mahal na Araw, maraming Kristiyano ang nag-aayuno at nangingili­n, sa pagsuko o pag-iwas sa ilang mga pagkain o materyal na bagay bilang paraan ng penetensiy­a. Hinikayat ni Pope Francis at ng ating Archbishop Tagle ang mga mananampal­ataya ngayong panahon ng Kuwaresma na malaan ng panahon—upang lumapit sa mga nangangail­angan at tulungan ang mga ito.

Dito sa Maynila, sinabi ni Archbishop Tagle na magagawa nila ito sa pagtulong sa mga child feeding program na sinusuport­ahan ng diyosesis ng Pondo ng Pinoy. Sa pamamagita­n nito, hindi lamang magiging panahon ng pagbubulay-bulay ang Kuwaresma ngunit panahon din upang tumulong sa mahihirap at nangangail­angan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines