Balita

John Arcilla, naoobligan­g mag-Tiktok

- Ador V. Saluta

MILYUN-milyon ang views ng mga Tiktok videos ni John Arcilla, kaya naman natutuwa ang marami na mahusay din palang magpatawa ang bida ng Heneral Luna.

Sa kanyang panayam sa King of Talk na si Boy Abunda kamakailan, tinawag ng host ng Tonight With Boy

Abunda si John na “Tiktok King”, dahil laging patok ang mga inaupload na videos ng aktor habang ginagamit ang nasabing lip-synch app.

Sa interview, sinabi ni John kay Kuya Boy na may 23.7 million views na ang ginawa niyang Tiktok videos.

“Hindi ko talaga ine-expect. Kasi nagkasakit lang ako, wala lang akong magawa, tapos biglang nag-viral na kaagad. Lalo na ‘yung kay Vice Ganda,” kuwento ni John.

Biniro tuloy si John ni Kuya Boy kung maglalabas siya uli ng panibagong video niya.

“Naghihingi na sa akin ang tao. Sabi ko naging responsibi­lity na ‘to, ah. Sandali lang.”

Pero ang totoo, naaantig si John sa kuwento ng mga taong napapasaya ng kanyang Tiktok videos.

“Ang ganda-ganda ng mga sinasabi nila, from different people, all over the world. Mga Pilipino sa iba’t ibang bansa, nagte-text sa akin.

“[Sabi ng isang nag-message sa akin] ‘Napapasaya n’yo po ako, kakatapos ko lang pong mag-chemo, pero ngayon po tawa ako nang tawa’.” Mayroon din daw galing sa trabaho na napapawi ang pagod dahil sa katatawa sa videos ni John.

“[Sabi pa nung isa] ‘Kakauwi ko lang po sa trabaho. Pagod na pagod po ako, ikaw kaagad ang nakita ko. Sobrang tawa, nakaka-good vibes po kayo’,” paglalahad ni John.

“Pano ka naman hindi gagawa [ng Tiktok videos]. Sa totoo lang nadudurog ang puso ko,” anang

mahusay na aktor. Dahil nga hindi lang bilang seryosong aktor patok si John, na kikilala na rin siya ngayon bilang mahusay na komedyante, at —sabi nga ni Kuya Boy—bilang Tiktok King.

 ??  ?? John
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines