Balita

Demi Lovato, may pa-flowers sa sarili

-

DEMI Lovato is moving forward with positivity.

Nitong Huwebes ng gabi, ibinahagi ng singer sa kanyang fans na nagpadala siya ng bouquet ng dalawang dosenang pink roses sa sarili niya, na may kasamang card na kinapapalo­oban ng sweet note.

“You’re beautiful, you’re loved, and you’re worthy of a happy and healthy life,” nakasulat sa card. Caption naman ni Demi, 26, sa Instagram naturang story, “Cause sometimes you gotta send yourself flowers … #selflove.”

Ayon sa ulat ng PEOPLE, bago ito, ibinahagi naman ni Demi ang isa pang floral-inspired part ng kanyang buhay: ang rose tattoo sa kanyang index finger. Nag-post siya ng larawan niya na kita ang tattoo kasama ang simpleng caption na, “Hi.”

Ang self-love-promoting ni Demi sa Instagram story ay naganap dalawang araw makaraang isiwalat ng source na malapit sa Sorry Not Sorry hitmaker sa PEOPLE na naghiwalay na sila ng designer na si Henry Levy, apat na buwan ang nakalipas nang una silang mamataang magkasama. Sa kabila ng mga report, si Henry ang sober companion ni Demi, sabi pa ng insider.

Unang na-link ang dalawa noong Nobyembre nang makuhanan sila ng litrato na magkasama sa isang sushi dinner date sa Los Angeles, ilang araw makaraang lumabas ni Demi sa treatment facility, dahil sa kanyang overdose noong July.

“She has not relapsed since she overdosed. She did recently go to a facility, but it was her own decision,” lahad pa ng source. “It was one trip to a treatment facility for a few weeks outside of Los Angeles.”

Ngayong nasa tahanan na ulit niya ang singer sa L.A., Demi “(is) taking care of herself and is in a positive place,” sabi pa ng insider. “She’s working out and getting back in the studio to make music.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines