Balita

PSC, handang mag-take over sa PHISGOC

- Ni ANNIE ABAD

HANDA ang Philippine Sports Commission (PSC) na manguna sa pagtatraba­ho para sa nalalapit na hosting ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10 kung wala pang pagkilos ang Philippine Southeast Asian Games Committee (PHISGOC) sa mga susunod na araw.

Sinabi ni PSC chairman William "Butch" Ramirez na nakaayuda ang ahensiya ng pamahalaan kung kinakailan­gan nang umaksyon para sa paghahanda sa nasabing biennial meet.

"The PSC is ready to help and step in if there is a need if wala pang mangyayari," ayon sa PSC chief. "In 1 to 2 weeks if wala pang linaw, the PSC is ready to do the work."

Ayon kay Ramirez, mas kailangan niya na umaksyon para sa hosting ng SEA Games, gayung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng kautusan na siguraduhi­ng matagumpay ang hosting – ikaapat na pagkakatao­n sa bansa.

"I have an instructio­n to proceed. Mismong ang Presidente ang boss ko na nagsasabi na tapusin na ang problema diyan Southeast Asian Games activities soon," kuwento pa ni Ramirez.

Ilang buwan na lamang ang nalalabing paghahanda ng bansa para sa hosting ngunit hanggang sa kasalukuya­n ay wala pang konkretong ulat ang (PHISGOC) kung gaaano na kahanda ang bansa para sa hosting pagdating sa mga venues at mismong hosting sa pangkalaha­tan.

Nauna na rito ay nagpatawag ng inter-agency meeting si chairman Ramirez upang hingin ang suporta ng mga ahensiya ng gobyerno para sa seguridad at maayos na hosting ng SEAG 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines