Balita

Kylie, napaiyak sa sampal ni Gladys

- Calderon Nora V.

MARAMING natatakot na masampal sa eksena ng mahusay na kontrabida­ng si Gladys Reyes.

Isa si Gladys sa mahuhusay na kontrabida sa Philippine showbiz, gaya ni Cherie Gil, na masakit manampal kaya iwas sila kung minsan. Pero may mga artista namang mas gustong maramdaman ang sampal ng mga primera contravida para maka-react sila nang tama.

Nangyari ito kay Kylie Padilla

sa set ng kanilang political romcom na TODA One I Love.

“Hindi ko po in-expect na ganoon kalakas ang sampal ni Ate Gladys,” natatawang kuwento ni Kylie. “Alam ko pong sasampalin niya ako sa eksena, pero hindi ko na pinaghanda­an iyon. Madalingar­aw na kinunan ang eksena, kaya baka nakita niya akong inaantok na kaya tinotoo niya ang sampal sa akin.

“Pero very effective po, kasi totoo akong napaiyak, na kailangan after akong sampalin, kaya tuluy-tuloy ang eksena.

“After po ng scene, tinanong ako ni Ate Gladys kung masakit daw, pero nagpasalam­at pa nga ako sa kanya dahil totoo ang reaction ko. Kaya after, nagyakapan na lamang kami.

“Ready po naman ako sa mga ganoong eksena pero hindi ko lang talaga in-expect na ganoon nga kalakas ang sampal niya. Nagising po ako talaga.”

Sa TODA One I Love kasi ayaw na ayaw ni Gladys kay Kylie, dahil gusto ito ng anak niyang si David Licauco. Hindi raw isang tricycle driver (Kylie) lang ang nababagay sa anak niya, kaya gumagawa ang karakter ni Gladys ng mga bagay na alam niyang masasaktan si Kylie. Pero hindi naman si David ang gusto ni Kylie kundi si Ruru Madrid.

Produced by GMA News & Public Affairs, marami pang magagandan­g eksenang mapapanood sa show, na sabi’y mae-extend pa dahil tumataas ang rating nito. Napapanood ito gabigabi, pagkatapos ng Onanay.

 ??  ??
 ?? Kylie ??
Kylie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines