Balita

JK, low-res photos naman ang inirerekla­mo

- Ni NITZ MIRALLES

ANG Facebook at Twitter lang ni Juan Karlos Labajo ang deactivate­d dahil nagpo-post pa rin siya sa Instagram. Sa IG nga namin nabasa ang comment niya para sa ABSCBN, na inakusahan niyang laging low-res na photos niya ang ginagamit kapag naglalabas ng balita tungkol sa kanya.

“Dear ABS-CBN, napapansin ko lang, kapag may article kayo na tungkol sakin whether it be a good or bad one, palaging ‘yung mga sobrang pangit na photos ko pinipili n’yo.

“’Yung tipong halos lahat ng ibang artista studio-quality photos with the best lighting ang mga pinipili ninyo, pero pagdating sa ‘kin puro ‘yung mga pinaka-low-res na tipong 3310 ang gamit sa pagkuha.

“Matagal ko nang napapansin ‘yan, ABS. Madami naman akong solid na picture, gusto n’yo send ko sa inyo? PM n’yo lang ako. Nakakasama kayo ng feelings, ah.”

Wala pang reaction ang ABS-CBN sa reklamong ito ni JK, pero tiyak na hindi siya matutuwa kung mababasa niya ang comments ng netizens sa nasabing post niya.

May nag-comment kasi na pasalamat nga raw si JK na ibinabalit­a pa siya ng ABS-CBN. May nagsabi naman na papansin si JK, at kaya lang sumikat dahil sa pagmumura sa audience, at sa mga sumunod niyang hanash sa isyu.

May mga natawa naman sa bagong isyu ni JK, at may nagpayo na tanggapin niyang rakista siya at hindi talaga artista, kahit pa umaarte siya at gumawa na ng soap sa ABS-CBN.

 ??  ??
 ??  ?? JK
JK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines