Balita

MABUTING BALITA

-

Dt 26:4-10 ● Slm 91 ● Rom 10:8-13 ● Lc 4:1-13

Umalis mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Espiritu Santo at naglibot sa disyerto na akay ng Espiritu sa loob ng apatnapung araw; at sinubok siya roon ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa loob ng mga araw na iyon at sa katapusa’y nagutom siya. Sinabi sa kanya ng diyablo: “Kung ikaw ang anak ng Diyos, iutos mo sa batong ito na maging tinapay.” Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: ‘Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao.’ ”

‘Tukso: Instrument­o ng Manlolokon­g Demonyo’

May isang magkasinta­han, 15-taong gulang ang babae at 16 na taong gulang naman ang lalaki. Pakinggan natin ang usapan nila isang araw…

Lalaki: “Beh, ’wag na tayo pumasok ngayon. Marami akong pera. Binigyan ako ni mommy pambili ko raw ng bagong laptop para magamit ko sa school. Punta tayo sa motel. Ako na bahala dumiskarte kay mommy.”

Babae: “Ay, ayoko nga! Lolokohin mo na nga mommy mo idadamay mo pa ko! Motel ha! Alam ko na nasa isip mo. Umayos ka!”

Pagkalipas ng ilang buwan… Lalaki: “Beh, kung talagang mahal mo ko patunayan mo.”

Babae: “Papaano ko patutunaya­n?”

Lalaki: “Kung talagang mahal mo ko, ibibigay mo sa kin nang buung-buo ang sarili mo. Patunayan mong sa ’kin ka lang. Nai-insecure ako kasi maraming may gusto sa iyo. Ayokong mawala ka sa ’kin. Mahal na mahal kita Beh!”

Babae: “Alam mong mahal na mahal din kita Beh. Gagawin ko ang lahat basta maniwala ka lang na sa ’yo lang ako at ikaw lang talaga ang mahal ko.”

Pagkalipas ng ilang buwan pa uli, napag-alamang buntis ang dalagita. Napatigil sa pag-aaral. Marami pang sumunod na mga pangyayari. Sa bandang huli, napariwara na nang tuluyan ang buhay ng kawawang batang-ina.

‘365 Days with the Lord 2019’ ST PAULS, 7708 St. Paul Rd., SAV, Makati City, Philippine­s; Tel.: 632-8959701; Fax: 6328957328; Email: publishing@ stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines