Balita

Marian, mangangana­k na ‘anytime now’

- Ni NORA V. CALDERON

“ANYTIMEnow, puwede nang magsilang si Marian.”

Ito ang bungad ni

Dingdong Dantes nang kumustahin siya tungkol sa pagsisilan­g ni Marian

Rivera sa kanilang baby boy, sa media conference ng latest endorsemen­t niya, ang food product na Persian Avenue.

“Hindi pa kami makapagbig­ay ng exact date pero hindi na ako puwedeng lumayu-layo sa Metro Manila. Baka this month or early April, dumating na ang baby boy namin.”

Masaya ring ikinuwento ni Dingdong na at three years old ay very observant na ang panganay nilang si Letizia.

“Meron kasi kaming novena sa bahay for Marian’s safe delivery, at tinanong ako kung ano raw ang ginagawa naming. Kaya sabi ko we are praying for her Mom’s safe delivery,” kuwento ni Dingdong.

“Ganoon siya kapag may napansin na ginagawa namin, nagpapakuw­ento siya.”

Hindi na bago kay Dingdong ang Persian Avenue dahil nakakakain na siya nito kahit hindi pa man siya ang kinukuhang endorser ng magkapatid na may-ari, sina Arjay

Lapid (president) at Paolo Lapid

(vice president).

“Noong photo shoot namin, natakam ako sa beef wrap, na after, sabi ko ‘puwede ko bang tikman?’. Hindi lang isa ang ibinigay sa akin, may chicken pesto wrap pa. ‘Pag uwi ko pa, ang dami nilang ipinadala sa akin, kaya natikman din lahat ng mga kasama namin sa bahay.”

Ayon naman kina Arjay at Paolo, si Dingdong ang first and only choice nila to endorse Persian Avenue, na ngayon ay may 44 branches na at open na rin for franchisin­g.

Interesado si Dingdong to have one store at may applicatio­n na raw siya.

Meanwhile, ayon sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, movies muna ang pagkakaaba­lahan ngayon ni Dingdong. Mayroon daw itong gagawin sa Viva Films at sa ABS-CBN Production­s, Inc.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Dingdong ng Amazing Earth, na napapanood every Sunday sa GMA 7, after ng 24 Oras Weekend.

 ??  ?? Marian
Marian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines