Balita

Michael Jackson episode sa ‘The Simpsons’, tinanggal

-

MISMONG ang producers ng The Simpsons ang nagtanggal ng classic episode na nagtatampo­k sa boses ni Michael Jackson

matapos iere ng HBO ang isang documentar­y kung saan inaakusaha­n ng dalawang lalaki ang King of Pop ng seksuwal na pang-aabuso noong sila ay menor de edad pa lamang.

“It feels like the only choice to make,” pahayag ng executive producer na si James L. Brooks sa The Wall Street Journal nitong Huwebes.

Ayon kay James, sinang-ayunan ng kanyang mga kapwa executive producers, sina Matt Groening at Al Jean, ang desisyon na alisin ang episode ni Michael.

Ang hakbang na ito ay naganap matapos ipalabas nitong nakaraang Linggo sa Amerika ang Leaving Neverland, na bumuhay sa mga kuwestiyon ng pakikitung­o ng namayapang pop singer sa mga bata.

Mariin namang kinondena ng pamilya ni Michael ang dokumentar­yo, na puno umano ng kasinungal­ingan, kasabay ng paghahain ng kaso ng Jackson estate laban sa HBO.

Noong 1991, mismong si Michael ang nagboses sa isang karakter sa “Stark Raving Dad” episode sa The Simpsons, kung saan nagpakilal­a itong si Jackson na nakilala si Homer Simpson sa isang mental institutio­n. Nakalista bilang John Jay Smith ang singer sa credits.

Hindi na mapapanood sa streaming services ang episode na ito at hindi na rin, anila, makikita sa mga future DVD sets.

Ayon pa sa mga organizers, isang online petition din na nananawaga­n para sa pagpapahin­to ng Las Vegas Cirque du Soleil show na Michael Jackson: One ang nakakalap na ng libu-libong lagda nitong Biyernes, bagamat tumangging magbigay ng komento ang Cirque du Soleil representa­tives hinggil sa isyu.

 ??  ?? Michael
Michael

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines