Balita

Ynez, na-estafa

- Ni MERCY LEJARDE

SA ipinatawag na tsikahan ni Atty.

Ferdinand Topacio ay namahagi ng press releaseang­publicistn­iyangsiAnn­eVenancio tungkol sa kasong estafa na isinampa laban sa negosyante­ng si Kathelyn Dupaya. Nagsampa kamakailan sa Parañaque Prosecutor­s’ Office ng syndicated estafa sina Ynez Veneracion at Susan Ortega laban sa Brunei-based na si Ms. Kathelyn at sa asawa nitong si Mariano Dupaya, sa isang Sunnix Lahoylahoy, Mastika Nooryati, Binti Haji Lakim, Rhea Viernes, Rhayann Pasiola, Marjori Bandi at isang

alyas “Flor” at “Alex”.

Ayon kina Ynez at Susan, naengganyo sila ni Ms. Kathelyn na mag-invest sa pangako nitong bibigyan sila ng mataas na interest, aabot sa 5-6% weekly/monthly, sa pag-aari nitong MK Group of Companies.

Sa una ay nakatupad si Ms. Kathelyn sa napag-usapang monthly profits kina Susan at Ynez, pero kalaunan ay bigo na umano itong ibigay ang interest, gayundin ang kabuuan ng investment capital ni Susan.

Matatandaa­ng kinasuhan din si Kathelyn ng estafa ni Joel Cruz dahil umano sa pang-i-scam ng una sa tinagurian­g The Lord Of Scents ng milyun-milyong pisong halaga, sa pamamagita­n din ng investment­s sa MK Group of Companies.

Incidental­ly, hindi nakarating si Joel Cruz sa ipinaimbit­a ni Atty. Ferdie na tsikahan with some showbiz press, dahil may taping daw ito sa Mars show nina

Camille Prats at Suzi Entrata sa GMA

News TV.

Niwey, bukas po ang pahinang ito para sa panig ni Ms. Kathelyn at kanyang mga kasamahan. Dalangin namin na magkaayos-ayos na silang lahat para swak ang saying na “make love not war”. ‘Yun na.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines