Balita

Killer ni Sytin, timbog; utol, utak?

- Nina FER TABOY at AARON RECUENCO

Arestado na ang pangunahin­g suspek sa pagpatay sa negosyante­ng si Dominic Sytin sa Zambales, noong nakaraang taon.

Iniharap ngayong Lunes ng umaga sa Camp Crame ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahaya­g ang suspek sa pamamaslan­g kay Sytin sa Subic Bay Freeport noong Nobyembre 28, 2018.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, hepe ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG), si Edgardo Luib, alyas “Inject”, ay dinakip sa tinutuluya­n nito sa Batangas nitong Marso 5, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong murder.

Itinuro ni Luib ang isang Ryan Rementilla na umano’y nag-recruit sa kanya para ipapatay si Sytin.

Sinabi ng CIDG na itinuturo rin ang umano’y nakababata­ng kapatid ng biktima na si Dennis Sytin na nag-utos umano upang ipapatay ang negosyante.

Sinasabing away sa negosyo ng magkapatid ang motibo sa pagpatay kay Dominic.

“From all indication­s, this highprofil­e murder of Dominic Lim Sytin was apparently motivated by rivalry among corporate siblings and carried out through a gun-for-hire contract with a hitman,” sabi ni Albayalde.

Sa harap ng kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Albayalde na inamin ni Luib ang krimen at pinangalan­an si Dennis bilang utak sa krimen.

Ayon kay Luib, nakilala niya si Dennis sa pamamagita­n ng kababata niyang si Ryan Rementilla, at sa una nilang paghaharap noong Agosto sa isang beach resort sa Subic ay inabutan siya ng P10,000.

Binigyan pa umano si Luib ng P10,000 sa ikalawang paghaharap nila, at dalawang araw bago ang pagpatay, sinabi ni Corpus na binigyan pa si Luib ng P30,000.

“The total contract price was P1 million but according to him, he only received a total of P50,000,” ani Corpus.

Matatandaa­ng nasugatan din ang security aide ng biktima na si Efren Espertero nang barilin ito ni Luib nang malapitan sa ulo sa Lighthouse Marina Resort sa Subic.

Si Sytin ang founder at chief executive officer ng United Auctioneer­s, Inc., at isa rin sa mga may-ari sa ACEA Subic Bay resort.

Nakuha umano mula sa suspek ang isang carbine rifle, isang .45 caliber pistol, isang .40 caliber Glock pistol, at isang malaking sachet ng marijuana.

Bukod sa murder, kinasuhan na rin si Luib ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms.

Sa pag-iimbestiga kay Luib, natukoy pa ng pulisya na mayroon itong dalawang arrest warrant sa murder, ang isa ay para sa pagpatay sa mamamahaya­g na si Mae Magsino noong Abril 2015.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines