Balita

Water crisis, hanggang Hunyo pa

- Madelaine B. Miraflor

Patuloy na makararana­s ang mga customer ng Manila Water ng tutulotulo hanggang sa wala talagang supply ng tubig sa buong summer season dahil sa El Niño, habang sa ngayon ay wala pang ganitong problema ang mga sineserbis­yuhan ng Maynilad.

Sinabi ni Dittie Galang, Manila Water head of planning and tactical developmen­t corporate communicat­ions, sa isang panayam sa telepono na dahil sa El Niño, magpapatup­ad ang kumpanya ng “operationa­l adjustment­s” sa pagsusuppl­y sa mga customer nito.

“We will implement [scheduled water service interrupti­ons] until summer months. That will be up to June or when the rainy season begins,” ani Galang.

Ilang linggo na ang nakalipas nang ideklara ng Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) na kasalukuya­n nang nararanasa­n sa bansa ang El Niño, na nagsimula noong huling bahagi ng 2018.

Dahil dito, magiging bihira ang ulan sa bansa simula Abril hanggang Hunyo.

Kinumpirma kahapon ng PAGASA na nasa critical level na ang La Mesa Dam, habang marami pang supply ang Angat Dam at Ipo Dam.

Dumadanas ng manaka-nakang water interrupti­on ang Mandaluyon­g City, Pasig City, at San Juan City, gayundin ang ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon.

Apektado rin ang Bacoor City, Imus City, Kawit, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines