Balita

Debate, mabuti para sa botante

- Ellson A. Quismorio at Hannah L. Torregoza

Sinabi ng isang lider ng Kamara na ang public debates sa panahon ng eleksiyon ay maaaring maging doubleedge­d sword para sa ilang kandidato.

Ayon kay Antipolo 2nd district Rep. Romeo Acop, ang mga debate ay maaaring kapwa makabuti at makasama sa mga kandidato, depende sa kanilang performanc­e sa mga tagisan ng talino at galing sa pananalita.

“For the candidates, it would serve as a forum to increase the awareness about them of the voters and to showcase their capabiliti­es and other reasons why they should be elected,” ani Acop, namumuno sa House Committee on Public Order and Safety.

“However, it could also show the inadequaci­es of the candidates,” idinagdag ng mambabatas, tinukoy na halimbawa ang ilang kandidato na maaaring magkalat o magkamali sa kanilang mga sagot sa debate.

Ngunit ayon kay Acop, ang mga botante ang higit na makikinaba­ng sa mga debate dahil mas makikilati­s nila ang mga kandidaton­g kanilang iboboto.

“On the part of the electorate, they would be able to know the candidates and determine whether they are capable and appropriat­e for the position,” aniya.

Hinimok naman kahapon ng nakakulong na si Senador Leila de Lima ang Commission on Elections (Comelec) na muling pag-isipan ang desisyon nitong huwag nang mag-organisa ng mga debate para sa senatorial candidates na tumatakbo sa May 2019 midterm polls.

Ipinunto ni De Lima na bilang isang constituti­onal body na inatasang magdaos ng malinis at tapat na halalan, isa sa mga obligasyon ng Comelec ay tiyaking wellinform­ed ang mga botante bago sila bumoto sa Election Day.

Sinabi ni De Lima na ang organized debate ay isa sa pinakamain­am na paraan upang maipakita ng mga kandidato ang kanilang kahandaan sa public office, at para matimbang ng mga botante ang qualificat­ions ng mga ito para sa posisyong kanilang tinatakbuh­an.

“Surely, something as essential as organizing senatorial debates is not beyond Comelec’s capabiliti­es. In the end, it comes down to the question of how important organized senatorial debates are to the Comelec in the fulfillmen­t of its mandate of educating the voters,” diin niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines