Balita

R100k reward vs nagtapon ng dumi ng tao

- Mary Ann Santiago

Nag-alok ng P100,000 pabuya si Manila Mayor Joseph Estrada sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n para maaresto ang driver at may-ari ng truck na ginamit sa pagtatapon ng dumi ng tao sa isang kanal sa Malate, noong nakaraang buwan.

Ayon kay Estrada, sa kanya mismo manggagali­ng ang naturang reward at handa siyang doblehin pa ito kung kakailanga­nin.

Batay sa ulat, Pebrero 4 nang magtapon ng dumi ng tao ang truck sa isang kanal sa Pablo Ocampo Street sa Malate.

Nakuhanan ng CCTV camera ang pagparada ng truck sa lugar at pagtatapon nito ng dumi ng tao sa kanal, na dumadaloy sa Manila Bay, kaya malinaw na paglabag ito sa Clean Water Act.

Ang truck na ginamit ay may plakang TNV-48, ngunit hindi nakuha ang dulong numero nito, dahil yupi umano ang dulong bahagi ng plaka.

Hinala naman ni Estrada, posibleng ilang kalaban niya sa pulitika ang nasa likod ng insidente, upang sirain ang kanyang kandidatur­a.

“Siyempre, sasabihin ang dumi ng Maynila, wala akong ginagawa. Pinupuliti­ka ‘yang isyu na ‘yan. May hinala na ako kung sino ang nasa likod niyan para sirain ako,” ani Estrada.

“Sa akin manggagali­ng ang reward, ipangungut­ang ko ‘yan basta masuntok ko lang. At kapag nasentensi­yahan dodoblehin ko, gagawin kong P200,000,” anang alkalde.

Samantala, sa panig naman ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Vicente Danao, sinabi niyang mas makabubuti na sumuko na lang ang driver ng truck dahil mayroon nang iimbestiga­han trucking company ang pulisya na ang negosyo ay may kaugnayan sa pagsipsip ng poso negro.

“Kapag hindi sila sumuko, pahihirapa­n namin ang negosyo nila,” babala ni Danao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines