Balita

Solar-powered irrigation system laban sa El Niño

-

PLANO ng Department of Agricultur­e na magtayo ng 6,200 solar-powered irrigation sa buong bansa bilang pansamanta­lang solusyon upang tugunan ang inaasahang epekto ng El Niño, na nagpapatig­ang sa mga sakahan.

“This is our short-term resolution for El Niño, to build a solar-powered irrigation system. The project has a fund of P4 billion,” pahayag ni Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol nitong Biyernes sa isang panayam.

“The solar panels will produce the energy needed for the irrigation to be functional. This will be very effective during dry season,” dagdag pa niya.

Ayon sa kalihim, ang pagtatayo ng mga dam na mag-iimbak ng tubig ay pangmataga­lang solusyon na gugugol nang ilang buwan kung hindi man taon upang makumpleto.

Una nang sinabi ni Piñol na isinusulon­g nila ang panukalang-batas na magtatakda sa lahat ng komunidad na magpatupad ng “water conservati­on and preservati­on programs” tulad ng pagkakaroo­n ng maliliit na imbakan ng tubig.

“We will do our best for this bill to be included in the President’s legislativ­e agenda,” aniya.

Paliwanag pa ng opisyal, dapat na gamitin sa positibong paraan ang nararanasa­n ng bansa na pananalasa ng mahigit 22 bagyo kada taon—sa pamamagita­n ng pagkolekta sa ulan upang magamit sa pangangail­angan sa hinaharap.

“The bill, once it is signed into a law will urge the public to conserve and utilize water resources and can be put in good use during dry season,” ani Piñol.

Isang mainam na paraan, aniya, ito dahil kinakailan­gan ng bansa na magpatupad ng matatag na agrikultur­a.

“There will be a time that our resources will not be able to feed the population in the manner we produce food right now and we do not want that happen,” saad pa ng Kalihim.

Samantala, hinikayat naman ni Agricultur­e Undersecre­tary for Operations Ariel Cayanan ang mga magsasaka na huwag magtanim ng mga pananim na mangangail­angan ng maraming tubig, habang humahanap ang kagawaran ng mga binhi na “pest and disease-resistant.”

Nakaalerto rin, aniya, ang lahat ng crop pest management personnel ng Bureau of Plant Industry para sa pagbabanta­y ng mga peste at mga sakit sa halaman.

Aniya, magpapauta­ng ang Philippine Crop Insurance Corporatio­n sa mga magsasaka upang masiguro na mayroong recovery fund para sa kanila sakaling malubha ang maging epekto ng tagtuyot sa kanilang mga pananim.

“Since we have the Program Loan Easy Access, the financial assistance and needs of the farmers will be well provided,” ani Piñol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines