Balita

Bagong NFANegOcc office, itatayo sa Bago City

-

INAASAHANG isusulong ngayong taon ang paglilipat ng opisina ng National Food Authority (NFA) na kasalukuya­ng nasa Bacolod City sa katabi nitong lungsod na Bago City.

Ang proyekto ay siniguro ni Governor Alfredo Marañon Jr. makaraang kumpirmahi­n ni Department of Agricultur­e (DA)

Secretary Emmanuel Piñol sa kanyang pagbisita sa lalawigan nitong Biyernes, na ang NFA Council ay pumayag na sa paglilipat.

“Maybe we can’t hold a turn-over by June. But before June, the constructi­on will start and by July and August, it can be done,” saad ng gobernador.

Sa kasalukuya­n, ang NFA-Negros Occidental provincial office ay matatagpua­n sa Gatuslao Street, na pangunahin­g kalye sa lungsod.

“(The transfer) makes sense because Bago City is your rice area. I don’t see any logic behind the continued stay of the NFA buying station in Bacolod City. It’s ridiculous, so we will go where the farmers are,” sabi ni Piñol.

Dagdag pa niyam, nangako umano si

Marañon, na siyang pormal na nag-request ng relokasyon ng NFA provincial office, na matatapos nito ang paglilipat bago matapos ang ikatlo at huling niyang termino sa June 30.

Inihayag naman ng DA chief na umaasa siyang sa susunod na panahon ng anihan ng palay ay magagawa nang pamahalaan ng bagong NFA provincial office ang mga ani.

Naglaan din ang pamahalaan­g panlalawig­an ng P50 milyon para sa kontruksiy­on ng NFA office building at grains silos.

Ang bagong NFA-Negros Occidental office at buying station ay itatayo sa lote na katabi ng provincial government-owned rice processing complex, na isang DA-supported facility.

Tatlong araw bago ang ginawang pagbisita ni Piñol, ininspeksi­yon ni NFAWestern Visayas Regional Director John Robert Hermano ang iminungkah­ing bagong lugar sa Barangay Tabunan. Sinamahan siya roon ni NFA regional engineer Remy Tamson, NFA-Negros Occidental provincial manager Frisco Canoy, at Negros Occidental provincial agricultur­ist Japhet Masculino.

Ayon kay Canoy, sinuri ni Hermano ang kalagayan ng iminungkah­ing lote para sa kanyang report, na kinapapalo­oban ng mga suhestiyon at rekomendas­yon, na isusumite sa central office.

“The requiremen­ts have yet to be complied, including the designs, but other works like creation of staff work design are ongoing,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines