Balita

Gabby, napa-cheat dahil kay Jennylyn

- Ni NORA V. CALDERON

MATAGAL-tagal ding nagbakasyo­n si Gabby Concepcion after ng Ika-6 Na Utos sa paggawa ng teleserye, pero hindi sa mga shows niya here and abroad.

Kaya na-excite si Gabby nang ipatawag na sila ng GMA Network for a story conference at look test para sa bagong romantic-comedy series, ang Love You Two. For the first time kasi, matutupad na ang wish niyang makatambal si Jennylyn Mercado. Matagal na niyang wish iyon.

Sa rom-com may ka-love triangle sila ni Jen. Iikot ang kuwento na magkakagus­to sa iisang lalaki, kay Jake (Gabby), ang magkapatid na Raffy (Jen) at Sam (Shaira Diaz). Kaya narito ang comedy, lalo na kung sino ang pipiliin ng “the one” na si Jake?

Lalong natuwa si Gabby nang sa first taping day nila, may regalo sa kanya ang leading lady niya, isang box ng Chunky Dough. Hindi nakatiis si Gabby na tikman agad ang cookies na baked ni Jen, na successful business din ng aktres.

“1st day taping gift from Jen. Cheat day! One or two bites is enough for me. Lol. Easy...easy... control. Masarap agad kahit hindi pa natitikman. Hanmmm...yummy. Salamat sa 1st day taping treat... @ mercadojen­ny #chuckydoug­h @ goodvibes #loveyoutwo.”

Makakasama rin nila sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Mata at Kiray Celis.

Ang Love You Two ay idinidirek ni Irene Villamor, at malapit nang mapanood sa GMA-7.

 ??  ?? Gabby at Jennylyn
Gabby at Jennylyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines