Balita

Justin umamin, feeling ‘super disconnect­ed and weird’

-

NAGBAHAGI si Justin Bieber sa kanyang followers sa Instagram tungkol sa kanyang kalagayan, ang una mula nang may maglabasan­g report na sumasailal­im sa gamutan si Justin para sa depresyon noong Pebrero.

Nagpakatot­oo sa kanyang saloobin si Justin at inamin niyang may problema siyang pinagdaraa­nan ngunit naniniwala naman siyang makaka-“bounce back” siya.

“Just wanted to keep you guys updated a little bit hopefully what I’m going through will resonate with you guys,” post niya. “Been struggling a lot. Just feeling super disconnect­ed and weird. I always bounce back so I’m not worried just wanted to reach out and ask for your guys to pray for me. God is faithful and your prayers really work, thanks . The most human season I’ve ever been in facing my stuff head on.”

Ayon sa ulat ng Elle, isa ito sa mga pinakapers­onal na caption ni Justin sa Instagram. Kahit na madalas namang nagpo-post ng larawan ang singer sa platform, laging walang caption ang mga ito o kaya ay maiikli lamang.

Huling binuksan ni Justin ang kanyang personal na buhay sa publiko nang ihayag niya ang engagement nila ni Hailey Baldwin noong July.

Nilinaw naman ng sources na ang depression issues ni Justin ay walang kinalaman sa kanyang marriage. In fact, si Hailey na umano ang nag-“push” kay Justin na humingi ng tulong sa eksperto.

Inihayag ng source na malapit kay Justin sa People noong nakaraang buwan na “he wants to be the best possible husband for Hailey. It’s one thing to have your issues when you’re single, but when you’re married, there’s two people’s happiness at stake. He’s working on himself so that he can be a good partner to her.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines