Balita

Chance the Rapper, kasal na sa longtime GF

-

PINAKASALA­N ni Chance the Rapper ang kanyang longtime girlfriend na si Kirsten Corley nitong Sabado sa Resort at Pelican Hill sa Newport Beach, California, kinumpirma ng PEOPLE.

Kabilang sa mga bisita sina Kim Kardashian West at asawa niyang si Kanye West, na matagal nang kaibigan ni Chance, 25, lahad ng source sa PEOPLE. Dumalo rin sa kasalan ang komedyante­ng si Dave Chappelle, ayon naman sa E! News.

Kahit na hindi pa isinasapub­liko ng No Problem

rapper (tunay na pangalan ay Chancelor Jonathan Bennett) ang mga larawang kuha sa kasal, ay nagkomento naman siya sa ilang litrato na ipinost ng The Shade Room online.

“These photos came from some lames. Wait til u see the official ones,” komento niya.

Ini-repost naman ni Chance ang photo booth image na ipinost ng isa sa kanyang mga kaibigan, ang kapwa niya rapper na si Joey Purp. Caption ng group shot, “Congratula­tions to my slimes @ chancether­apper and kaydog love y’all God bless your union.”

‘Di rin nagpahuli sa pagpo-post ng litrato ang kapatid ni Chance na si Jonathan Bennett, at caption niya rito, “The Wedding bells are ringing!”

Ilang araw bago ang kasal, iniulat ng Chicago Tribune na legally married na sina Chance at Corley noon pang Dec. 27, nang magkaroon sila ng civil ceremony sa Cook County clerk’s office.

Ibinahagi naman ng rapper ang sweet story kung paano sila unang nagkita ng kanyang bride nitong nakaraang Miyerkules sa Twitter. Nang siyam na taong gulang pa lang si Chance, dumalo siya sa party sa opisina ng kanyang ina, kung saan sumayaw si Corley ng Destiny’s Child dance routine — at inamin niyang ito ay love at first sight.

“I knew I was gonna marry that girl,” tweet ni Chance. “Sixteen years later it’s happening. This wknd is the time, and the place is my wedding. I’m gonna dance with my wife because this is my destiny.”

 ??  ?? Kirsten at Chance
Kirsten at Chance

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines