Balita

Jed Allan, pumanaw nitong Sabado

-

PUMANAW na ang beteranong TV star na si Jed Allan, kilala sa mga pagganap niya sa Beverly Hills, 90210, at Days of Our Lives, nitong Sabado sa kanyang tahanan sa Palm Desert, California. Siya ay 84 na taong gulang.

Ibinahagi ng anak ng aktor, si Rick Brown, ang balita sa fan page ng tatay niya sa Facebook, ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

“So sorry to post the very sad news of my father’s passing tonight. He died peacefully and was surrounded by his family and loved so much by us and so many others,” sabi ni Rick.

Ginampanan din ni Jed, na gumanap bilang si C.C. Capwell sa soap opera na Santa Barbara at Don Craig sa Days of Our Lives,

bilang si Rush Sanders sa Beverly Hills, 90210,

ang ama ni Steve Sanders, na karakter naman ni Ian Ziering.

Nag-post sa Instagram nitong Linggo si Ian, bilang pagbibigay-pugay sa kanyang dating co-star at on-screen dad, ng isang litrato niya kasama si Jed, na kuha mula sa Fox teen drama.

“So sad to hear we’ve lost another 90210 castmate. I had the pleasure of working with Jed Allan from 94 to 99. He played Rush Sanders, Steve’s father. Such a great guy to work with, he will be missed. #ripjedalla­n,” caption ni Ian, 54, sa litrato.

Inulila ni Jed ang tatlo niyang anak na sina -- Mitch, Dean, at Rick – kay Toby Brown, na sumakabila­ng buhay noong 2001.

Ang pagkamatay ni Jed ay naganap isang linggo makaraang bawian ng buhay ang kapwa niya Beverly Hills, 90210 alum na si Luke Perry. Pumanaw ang aktor nang ma-stroke, sa edad na 52.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines