Balita

Taiwan Excellence, umayuda sa Davao Internatio­nal Marathon

-

DINAGSA ng running at sports enthusiast ang 2019 Davao Internatio­nal Marathon nitong Linggo kung saan itinampok ang mga makabagong kagamitan mula sa lifestyle, gadget hanggang sports sa inilatag na Taiwan Excellence Experience Zone.

Matapos ang serye ng mga programa sa Manila, isinunod ng organizers ang Davao sa hangaring mapalawak ang kaalaman ng Pinoy sa mga moderno at makabagong kagamitan na makatutulo­ng para sa kalusugan ng sambayanan.

“For the past six years, we have built a strong and loyal following in Manila. During this time, we received an outpouring of support for our brands,” pahayag ni Tony Lin, TAITRA Deputy Director of the Strategic Marketing Department.

“This is why we have decided to broaden our reach this year and introduce much-needed innovation to more people.”

Mahigit sa 30 brand ng mga kagamitan ang itinampok sa Excellence Experience Zone, kabilang ang gaming beast na ASUS ROG STRIX GL504 SCAR II; COMEUP’s Intelligen­ce Dashboard Automotive Winch; bicycle company TERN’s fold-up bike Link A7, gaundina ng fitness company JOHNSON sa kanilang Horizon Citta Upright Bike.

Bukod sa sports at tech products, ibinida rin ang mga lifestyle brands tulad ng ALYA’s line ng portable filtration systems, at DEYA’s quality backpacks na gawa s amga recycled materials.

Nagsagawa rin ng Taiwan Excellence 3-on-3 Hoop Challenge, E-sports Cup sa Manila, at Taiwan Expo sa Davao.

Para sa karagdagan­g detalye, bisitahin ang Taiwan Excellence sa www.taiwanexce­llence.org/ ph.

 ??  ?? HANDA at nagihintay sa pagputok ng starting gun ang mga kalahok sa Davao Internatio­nal Marathon na sinuportah­an ng Taiwan Excellence nitong Linggo sa Davao City.
HANDA at nagihintay sa pagputok ng starting gun ang mga kalahok sa Davao Internatio­nal Marathon na sinuportah­an ng Taiwan Excellence nitong Linggo sa Davao City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines