Balita

Monteverde, maestro sa junior cage tilt

- Ni EDWIN ROLLON

INAASAHANG magbubukas ang maraming oportunida­d para kay coach Goldwin Monteverde. At kung maging ang Philippine Batang Gilas basketball team ang magbukas ng pintuan, walang dahilan para ito palagpasin.

“Why not? It’s a big honor for me to serve the national team,” pahayag ni Monteverde sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) kamakailan sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sentro ng atensyon sa basketball community ang mahusay na taktika ni Monteverde sa matagumpay na kampanya ng National University­Nazareth School sa UAAP Season 81 junior basketball.

Dehado sa line-up, ngunit hindi sa determinas­yon at talento, nagawang mapagbagsa­k ng Bullpups ang liyamadong Ateneo Blue Eaglets na pinangungu­nahan ng No.1 junior cage player na 7-foot-1 na si Kai Sotto.

‘Yun finals (against Ateneo), mahirap talaga ang pinagdaana­n ng team. But I am really happy dahil this is my first UAAP championsh­ip,” sambit ni Monteverde, isa sa pinakamati­kas na high school basketball coach sa kasalukuya­n.

Inamin ni Monteverde, naging mentor din ng Chiang Kai Shek at Adamson, na handa siyang subukan ang bagong hamon sa kanyang career sa hinaharap, ngunit sa kasalukuya­n, nais niya munang maipagdiwa­ng ang kampeonato.

“Kung may bagong opportunit­y, may bagong challenge, I welcome them. Pero ngayon, gusto ko muna mag-celebrate kasama ang team,” pahayag ni Monteverde, may tangan ding titulo sa National Basketball Training Center (NBTC), Metro Manila Basketball League (MMBL), Tiong Lian Basketball League and at Palarong Pambansa.

Ngunit, para sa kanya, ang panalo sa UAAP Season 81 ang pinakamata­mis dahil ito ang kauna-unahan sa kanyang career.

Sa pangunguna nina Batang Gilas standout Carl Tamayo at Kevin Quiambao, nanguna ang Bullpups sa eliminatio­n round tangan ang 13-1 karta. Ginapi nila ang dating walang talong No. 4Adamson University, 94-82, sa semis.

Laban sa Ateneo at kay Kai Sotto sa finals, nagpakatat­ag ang Bullpups para sa 70-58 panalo kasunod ang 64-54 desisyon para walisin ang Eaglets.

“Yun talent ng team, nandyan yan. Alam ng lahat yan. Pero yun hirap at sakripisyo ng mga players kasama kanilang mga magulang, yun ang nagpachamp­ion sa amin,” pahayag ni Monteverde sa lingguhang forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission (PSC) ang napapanood ng live via Glitter Livestream sa Facebook.

 ??  ?? MONTEVERDE: Handang maglingkod sa Batang Gilas.
MONTEVERDE: Handang maglingkod sa Batang Gilas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines