Balita

Sylvia, no comment na kay Maine

- Reggee Bonoan

PAGKATAPOS ianunsiyo ng Sinag Maynila ang mga pelikulang kasama sa festival ay may meeting kaagad si Sylvia Sanchez para sa gagawin niyang pelikula, ang Yolanda, kasama ang anak na si Arjo Atayde.

“May movie akong imi-meeting ngayon, ito ‘yung movie na isinama sa Hongkong Internatio­nal Film Festival (Imminent Immanent mapapanood ngayong March 26 at April 1), short film muna ‘yun tapos gagawin nang full length kaya ito ‘yung pagmi-meeting-an namin ngayon,” kuwento ni Sylvia sa ilang media na dumalo sa event.

Dagdag pa, “ito ‘yung totoong nangyari sa (Bagyong) Yolanda, titingnan kung kakayanin kasi isu-shoot ito sa lugar mismo sa Leyte kung saan nangyari mismo ang Yolanda. Istorya ito ng mag-inang na-Yolanda. Experience ito ng direktor namin na si Carlo Manatad, nandoon ang pamilya niya, true to life experience ito.”

Pangalawan­g beses na nina Ibyang at Arjo na magsama sa isang project, nauna na ang teleseryen­g Hanggang Saan nitong nakaraang taon at base sa kuwento ng aktres ay wala silang pakialaman­an sa set.

“Hindi kami nag-uusap sa set, hindi ‘yung tipong, ‘o nanay mo ako’, walang ganu’n. Pagdating sa set hindi kami mag-ina. Ibang karakter na kami. Kasama namin sina Chai Fonacier, Angeli Bayani,

parehong magaling na artista,” pahayag ng aktres.

Kaagad namang humingi ng dispensa si Sylvia sa tanong kung open siyang maka-trabaho si Maine Mendoza na girlfriend ngayon ng anak niyang si Arjo.

“Ay sorry, ayokong sumagot, minsan na akong nagsalita about Maine and

Arjo, that’s it,

ayoko na i-tackle ‘yan, sorry, out na ako diyan,” paliwanag ng nanay ng aktor.

Tinanong kung anong plano ng pamilya Atayde sa nalalapit na Semana Santa, “actually wala pang plano kasi hindi na kami nagkikita-kita ng mga anak ko, sina Arjo at Ria, kahit Sunday nga kasi wala sila kaya nalulungko­t ako. Hindi pa namin napag-uusapan ang Holy Week.”

Samantala, inamin ni Ibyang na humihingi na siya ng cut-off ngayon sa mga taping at shooting niya.

“Dati kapag inaabot ako ng umaga, okay lang, ngayon hindi ko na kaya ang sobrang puyatan, kaya 2AM, nagsasabi na ako sa production na pack-up na ako. Hindi ko na kaya,” paliwanag ng aktres.

Nabanggit ito ni Ibyang dahil sa sunud sunod na namamatay na showbiz personalit­ies tulad nitong Sabado habang nagkakasiy­ahan sa advance birthday party ng asawa niyang si

Art Atayde sa Maxims Hotel, Resorts World, ay nabalitaan niya ang biglaang pagpaanaw ng komedyante­ng si Chokoleit.

Kasama si JM de Guzman na isa sa anak ni Sylvia sa seryeng Project Kapalanan sa show nina Chokoleit sa Abra at naikuwento ng binata na habang kumakain sila ng hapunan ay iba na ang nakikita niyang aura ng komedyante.

Sabi ni Ibyang, “kuwento ng anak ko (JM), ‘nay habang kumakain kami ng dinner , iba ang itsura ni Chokoleit, parang pagod at hindi masyadong nagsasalit­a. Inisip ko pagod sa biyahe’.

At dito nga nabanggit ng aktres na sobrang nalungkot siya sa nangyari kay Chokoleit pero humanga siya rito dahil hanggang sa huling sandali ay naging propesyuna­l ito nang tapusin ang parte

niya sa show.

 ??  ??
 ??  ?? Sylvia Maine
Sylvia Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines