Balita

Ethiopian plane crash: 157 sakay, patay

- May ulat ni Bella Gamotea

NAIROBI/ADDIS ABABA (Reuters) – Isang Ethiopian Airlines passenger jet na patungong Nairobi ang bumulusok isang minuto matapos itong mag-take off nitong Linggo, na ikinamatay ng lahat ng 157 kataong sakay nito at nagtaas ng mga katanungan tungkol sa kaligtasan ng Boeing 737 MAX 8, isang bagong modelo na bumulusok din sa Indonesia noong Oktubre.

Umalis ang flight nitong Lunes sa Bole airport sa Addis Ababa dakong 8:38 a.m. (0538 GMT), bago nawalan ng contact sa control tower makalipas ang ilang minuto dakong 8:44 a.m.

“There are no survivors,” tweet ng airline na may kasamang litrato ni Chief Executive Tewolde GebreMaria­m hawak ang kapirasong debris sa crash site.

“The pilot mentioned that he had difficulti­es and that he wanted to return,” ani Tewolde sa news conference.

Ang mga sakay na pasahero ay nagmula sa 33 bansa, ani Tewolde.

Ang mga namatay ay kinabilang­an ng Kenyan, Ethiopian, American, Canadian, French, Chinese, Egyptian, Swedish, British, Dutch, Indian, Slovakian, Austrian, Swedish, Russian, Moroccan, Spanish, Polish, at Israeli citizens.

Apat sa mga ito ang nagtatraba­ho sa United Nations, ayon sa airline, at kinumpirma ng U.N.’s World Food Program director na nalagasan ng staff ang organisasy­on sa aksidente.

Ang aircraft, isang 737 MAX 8, ay ang parehong modelo na bumulusok sa Java Sea matapos mag-take off mula sa Jakarta noong Oktubre 29, 2018 na ikinamatay ng 189 kataong sakay ng Lion Air flight.

Iniimbesti­gahan pa ang sanhi ng crash.

Bumulusok ang Flight ET 302, registrati­on number ET-AVJ, malapit sa bayan ng Bishoftu, may 62 km sa timog silangan ng kabiserang Addis Ababa, sakay ang 149 passengers at walong crew, ayon sa airline.

Nagkaroon ng unstable vertical speed ang flight matapos mag-take off, ayon sa flight tracking website na Flightrada­r24.

Sa datos na inilabas ng Sweden-based service ipinahihiw­atig na umakyat ang aircraft sa taas na 1,000 feet matapos magtake off mula sa Addis Ababa. Bumaba ito ng halos 450 feet bago biglaang umakyat sa 900 feet hanggang sa puntong nawala na ito sa satellite tracking data.

PH NAKIRAMAY Nagpaabot ang Pilipinas ng pakikirama­y sa Ethiopia kaugnay sa trahedya. “The loved ones of those who perished in the crash of Ethiopian Airlines Flight ET302 are in our thoughts and prayers,” ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Inatasan na ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Nairobi na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Addis Ababa at sa Nairobi upang alamin kung may Pilipino na apektado ng aksidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines