Balita

Tatanggali­n na ang mga basura; ngunit matatagala­n bago maihinto ang polusyon

-

SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang pagtatalag­a ng mga amphibious excavators sa 1.5 kilometron­g baybayin sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa pagitan ng Manila Yacht Club at ng Embahada ng Amerika.

Hindi bababa sa 20 truck ang gagamitin upang ikarga ang mga basura na inaasahang mahuhukay ng mga excavators mula sa tubig na malapit sa baybayin. Nagkakaroo­n ng mga panaka-nakang paglilinis sa baybayin ang iba’t ibang grupo na nakakaliko­m ng mga basura sa baybayin ng look. Sa pagkakatao­ng ito, gamit ang mga excavators, pakay ng DPWH at DENR na mas malayo ang maabot nito sa look at matanggal ang mga basurang natambak na doon sa maraming nagdaang dekada.

Mapupunta ang mga banlik at basura na maiaagat mula sa tubig ng Manila bay sa waste segregatio­n machines at saka dadalhin sa Navotas landfill habang ang mga burak at lupa ay itatambak sa Bicutan, Taguig City. Maaaring abutin ng tatlong buwan ang paghuhukay na ito. Ang hangad ay ang matanggal ang lahat ng basura na ngayon ay tumatabon sa buhangin sa ilalim ng look.

Gayunman, kailangang bigyang-diin na ang paghuhukay na ito ay bahagi lamang ng planong rehabilita­syon para sa Manila bay. Ang mas malaking bahagi nito ay ang pagtanggal sa polusyon na ngayon ay dumadaloy dito sa mga maruruming tubig na nagmumula sa libu-libong kabahayan at establisya­mento sa Metro Manila. Dahil sa lahat ng duming ito, sinasabing umabot na sa 350 MPN (Most Probable Number) per 100 milliliter­s, ang fecal coliform bacterial level sa maraming bahagi ng look, gayong nasa 100 MPN lamang ang katanggap-tanggap.

Sa simula ng paglilinis, ipinag-utos ang pagsasara ng Manila Zoo, kasama ng ilang hotel at kainan na direktang nagtatapon ng kanilang dumi sa mga alkantaril­ya na dumadaloy patungong look. Ang dalawang water concession­aries ng Metro Manila na matagal nang nangongole­kta ng pondo mula sa mga kabahayan upang magtayo ng wastewater treatment plant, ay umaasang masasakop ang halos 100 porsiyento ng kanilang mga sakop na lugar bago ang 2037.

Ito ay sa Metro Manila pa lamang kasama ng Ilog Pasig na tumatangga­p sa mga dumi na nagmumula sa siksikang bayan, gayundin sa Laguna de Bay kasama ng mga bayang nasa paligid nito at ang limang ilog na dumadaloy dito mula sa Katimugan ng Luzon—ang ilog ng Boso-boso sa Rizal, ang ilog ng Zapote sa Cavite, ilog San Cristobal sa Laguna, ilog ng San Juan sa Batangas at ang ilog ng Iyam-Dumacaa sa Quezon. Ayon sa DENR daan-daang babuyan ang nagtatapon ng kanilang mga dumi ng hayop sa mga ilog na ito.

May iba pang mga ilog na direktang nagdadala ng kanilang sariling polusyon sa Manila Bay mula sa Bataan sa kanluran, Pampanga at Bulacan sa hilaga, at Cavite sa timog.

Lahat ng polusyong ito ang nagluklok sa Manila bay sa kasalukuya­ng kalagayan nito, isang bahagi ng tubig na hindi ligtas na languyan o ng anumang uri ng “contact recreation.”

Tatanggali­n ng mga excavators na ilalagay ng DPWH at DENR ang mga nakikitang basura na nagtataklo­b sa buhangin sa kahabaan ng Roxas blvd. Ngunit hindi gaanong nakikita ang tunay na polusyon—ang mga bacteria na dumarami mula sa maduming tubig ng Metro Manila at Laguna de Bay, na maaaring magdulot ng sakit.

Hindi tayo dapat umasa ng mabilis na solusyon sa matagal nang napabayaan­g problema ng Manila Bay. Tanging magagawa natin ay magpasalam­at na sa wakas ay tinutuguna­n na ito ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines