Balita

Nadine, ‘longest relationsh­ip’ ni James

- Ni ADOR V. SALUTA

SA Gandang Gabi Vice nitong Linggo, matapang na inamin ni James Reid na nagli-live in nga sila ng dyowang aktres na si Nadine Lustre.

Lahad pa ni James, isineceleb­rate nila ni Nadine ngayong taon ang ikatlong anibersary­o ng kanilang relasyon. Hindi nga raw makapaniwa­la si James na aabot ng tatlong taon ang kanilang samahan.

“It’s actually my longest relationsh­ip,” sabi ni James. “It doesn’t feel like three years. It’s been so fast.” “Kinikilig ka pa din?” tanong

ni Vice Ganda kay James. “Yes.”

Nagbigay naman ng pananaw ang GGV at It’s Showtime host tungkol sa relationsh­ips.

“Kasi, ‘di ba, ‘yun ang fear ng madami, lalo na ‘pag tumatagal? ‘Yung ang daming nagbabago na hindi mo namamalaya­n— nagbabago ‘yung feelings mo, ‘yung emotions mo, ung dating excitement.

“Kapag nagkikita kayo, lalo na ‘pag lagi kayo nagkikita, parang nawawala,” sabi pa ni Vice.

“We live together, so like... oh,” sabi ni James.

Dito na kinilig at nag-react ang mga nanonood sa studio.

‘Tila nagulat naman si James sa naging reaksiyon ng mga tao.

“Did you know that? Okay, well, we live together.”

Natawa si Vice sa naging reaksiyon ni James at inapiran ito pagkatapos.

“Alam mo, it’s okay. Kasi ‘yan si James at saka si Nadine, we’ve accepted the real Nadine and the real James Reid. ‘Yung parang, no sugar coating, just real. “Eh ganun naman kayo, ‘di ba? Whether you like it or not, you accept it or not, this is us. So, just be free to be real.”

“Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space. Sometimes, you get too comfortabl­e,” kuwento ni James.

“But then, there are days na she’s working, super busy, parang ganun and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

July 2017 nang unang natanong si Nadine kung naglilive in na ba sila ni James.

Sagot ni Nadine: “If that was true, so what?”

At sa GGV guesting din noong January 2018, sa guest appearance ng JaDine sa show, tinanong ni Vice ang dalawa kung magkatabi ba silang natutulog.

Ang naging sagot lang ng dalawa, magkatabi silang matulog kapag nasa “shoot, sa bus, sa plane”.

Sa presscon naman ng pelikula ni Nadine na Ulan last February 26, 2019, muling natanong si Nadine kung magkatabi sila ni James sa pagtulog?

“Bakit mo ba tinatanong ‘yan? My God, kayo na pong bahala diyan na sumagot,” natawang sagot ni Nadine.

Bagamat gustong sarilinin ni Nadine ang living arrangemen­t nila ng boyfriend noong panahon na ‘yun, diretso namang sumagot ang 25-year-old actress tungkol sa pagpapakas­al.

Sa ngayon daw ay hindi pa niya nakikitang mangyayari ito sa kanila ni James, dahil masaya sila sa kasalukuya­ng estado ng kanilang relasyon at hindi naman daw sila nagmamadal­i.

Unang nalantad sa publiko ang relasyon nina James at Nadine noong February 20, 2016, sa JaDine In Love concert sa Araneta Coliseum.

February 11 daw nang taong iyon nang inamin ni James ang tunay niyang nararamdam­an para kay Nadine, sa pamamagita­n ng isang dinner date.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines