Balita

‘Hanggang sa huling hininga, pinili mo pa ring magpatawa’

- Ni NITZ MIRALLES

KABILANG sa mga nagpahayag ng kalungkuta­n sa biglaang pagpanaw ni Chokoleit sina K

Brosas at Pokwang, na parehong close sa 46-anyos na komedyante.

Magkumare ang tatlo dahil inaanak nina Chokoleit at K ang bunso ni Pokwang na si Malia.

Post ni Pokwang nitong Linggo: “Gusto ko masaya ang alaala ko sayo BFF Chokie, wala nang paglagyan ang luha ko!!!

“2009 nagpagawa ako ng standee kay @aldrinpaul­atilano kasi hindi ako personal na makaka-attend ng Starmagic Ball. Nakiusap ako sa ‘yo, ikaw na muna bahala sa standee ko at siniguro mo na mag-e-enjoy tayong dalawa sa party. Hindi mo ako iniwan nang gabing yon, sinigurado mo na masaya ako kahit standee lang sa gabing ‘yon.

“Pero bakit kagabi iniwan mo na kami? Dapat magkasama tayo sa Abra kung natuloy ako, baka mas hindi ko kakayanin kung nandon ako. Buti na lang lagi kong nasasabi sa ‘yo, kahit sa phone lang, na I love you mare... Paalam, mami-miss kita, sobra!!!”

Post naman ni K Brosas: “Ayaw kong bumangon... ‘Di pa rin lubusan matanggap...ang dami nating pics, Chokie.

“Last year lang around this time nasa Lake Tahoe tayo, kasi natuwa at nakasanaya­n na natin mag-mini vacay ‘pag nasa US tayo na may shows. Una sa Yosemite tapos Big Bear. Sagot mo pagkain, kaya happy fiesta lagi ulam natin. At lasing lahat.

“Hindi lang kita lagi kasama sa show at guest pa kita sa major concert ko. Tapos lalo pa tayo naging close dahil ginawa tayong ninang ni Pokie kay Malia.

“Tuwang-tuwa ka nang malaman mo na malapit na matapos house ko. Sabi mo papabuntis mo aso mo para mabigyan ako ng puppy. Isang aso mo gift namin sa ‘yo na hati-hati kami nina Pokie at Pooh. Kahit mahal dedma kasi never naging issue ang pera sa ‘ten. At ganon ka namin kamahal. “Pati mga anak namin ni Pokie mahal na mahal ka. Gumugulong kami sa katatawa sa ‘yo. Ako, minsan hindi na ‘ko sumusunod sa script dahil tawa na lang ako nang tawa. “Hirap ng ganito. Dapat nasa Abra din ako, alam nila ‘yan pero biglang hindi nagpuwede sched ko. Hindi ko alam gagawin ko kung andon pala ako.

“Grabe ka, Chokie, puwede naman na ‘di ka na nagshow, pero dahil kilala kita itinuloy mo kahit sobrang hirap. Hanggang sa huling hininga mo pinili mo pa rin magpatawa. Sino na ngayon ang mang-aasar sa ‘men ni Pokie? Sino ka-duet na ni Pooh?

“Hindi ka mapapalita­n kailanman kasi nag-iisa ka. Sobrang mahal kita. At ‘di ko alam pano ako babangon ngayon, literal. Sana makita kita at makausap sa panaginip. ‘Di ko alam gagawin ko kundi magdasal. Isa kang ALAMAT Chokie...I love you so much!”

Isa si Pops Fernandez sa mga huling nakausap ni Chokoleit, dahil magkasama sila sa show sa Abra nitong Sabado ng gabi.

Ipinost ni Pops ang pagkikita nilang dalawa. “This photo was taken right before Chokoleit’s performanc­e in Abra. I asked him how he was doing since I haven’t seen him in a long time. His reply, ‘Am doing very well. I’m in a good place. Nakaipon na po ako’.

“I told him how happy I am for him...I am still in shock. Chokoleit, thank you for the laughter. You made the people laugh one last time. RIP.”

 ??  ?? Chokoleit at K
Chokoleit at K

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines