Balita

Ikatlong sex tape ni R. Kelly, nadiskubre

-

MATAPOS na makalaya, isa na namang bagong sex tape ni R. Kelly na nakikipagt­alik sa mga menor de edad ang lumabas.

Nahaharap ang I

Believe I Can Fly singer, na kasalukuya­ng nahaharap sa 10 bilang ng aggravated sexual abuse, kabilang ang apat na kasong kinasasang­kutan ng mga menor de edad – na mariin niyang itinanggi. Siya ay inakusahan ng felony aggravated criminal sexual abuse ng apat na babae, na ang tatlo ay edad 13-17 lang umano nang maganap ang insidente, noong 1998 hanggang 2010, ayon sa ulat ng Cover Media.

Dati nang kinasuhan ang 52 taong gulang na singer ng child pornograph­y noong 2002, nang kumalat ang video na umano’y inihian niya ang isang teenager habang sila ay nagtatalik. Napawalang­sala siya noong 2008, ngunit kamakailan ay dalawang umano’y underage sex tapes na naman ang naglabasan at sangkot ulit dito si Kelly. Ang naturang sex tape ay nasa pangangala­ga na ng pulisya, ayon kay attorney Michael Avenatti.

At ngayon naman, inihayag ng tanyag na abogadong si Gloria Allred na hawak niya ang ikatlong VHS tape ng umano’y pakikipagt­alik ng singer sa ilang underage na babae.

Iginiit ni Gary Dennis na wala siyang koneksiyon kay Kelly at natagpuan niya lamang ang tape habang naglilinis ng sarili niyang gamit. Ito ay ibinigay sa mga awtoridad sa U.S. Attorney’s Office for the Eastern District of New York.

“I thought it was a recording of an R. Kelly concert,” sabi ni Dennis sa press conference sa New York ntong Linggo. “I watched the sports on the tape and then continued to watch what I thought would be an R. Kelly concert. To my shock and surprise, R. Kelly appeared to be on the tape but not in concert. Instead, he was sexually abusing underage African-American girls.”

Wala pang sagot si Kelly sa mga bagong alegasyon, ngunit ang nasabing tape ay kumalat isang araw makaraan niyang makalabas sa kulungan, nang arestuhin noong nakaraang linggo dahil sa hindi niya pagbabayad ng $161,000 (£124,100) child support sa dating asawa na si Drea Kelly. Nakalaya ang singer nang bayaran ng isang ‘di kilalang donor ang child support.

 ??  ?? R. Kelly
R. Kelly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines