Balita

Warriors, nabalahaw sa Phoenix Suns NASILAW!

-

OAKLAND, California (AP) — Komonekta si Devin Booker ng 13 sunod na puntos sa krusyal na sandali sa final period at tumapos na may 37 puntos para sandigan ang makasaysay­ang 115111 panalo ng Phoenix Suns laban sa two-time defending champion Golden State Warriors nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Tinuldukan ng Suns ang 18-game losing skid laban sa Warriors. Huling nagwagi ang Phoenix sa Golden State noong Nobyembre 9, 2014 sa impresibon­g 107-95 desisyon.

Naisalpak ni Klay Thompson ang dalawang free throws may 1:04 ang nalalabi para maidikit ang iskor sa 111-108. Nakuha ni Andre Iguodala ang rebound mula sa dalawang mintis na tira ng Suns, ngunit sumablay ang game-tying three-pointer ni Stephen Curry may 23 segundo ang nalalabi. Senelyuhan ni Booker ang panalo sa dalawang free throw.

Umarya ang Suns sa 102-98 may 5:01 sa laro mula sa jumper ni Booker, nasundan ito ng isa pang baskets ni Booker mula sa turnover ni Curry.

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 25 puntos, ngunit hindi nito tinapos ang laban matapos magbalik sa locker roon bunsod ng injury sa kanang paa.

Malamya ang shooting ng Splash Brothers na sina Curry at Thompson na may pinagsaman­g 16 of 42 — 8 of 30 sa 3s matapos ang 4-for-22 start — ati tinapos ng Warriors ang laro sa 10 of 43 mula sa three-point area.

SPURS 121, BUCKS 114

Sa San Antonio, ginapi ng Spurs, sa pangunguna nina LaMarcus Aldridge na may 29 puntos at 15 rebounds, at DeMar DeRozan na may 28 puntos, ang Milwaukee Bucks para sa ikalimang sunod na panalo.

Nagawang maidispats­a ng San Antonio ang tatlong pangunhain­g koponan sa East matapos madomina ang Philadelph­ia nitong Disyembre at Toronto nitong Enero.

Nangunguna ang Milwaukee sa Eastern Conference, may dalawang laro ang bentahe sa No.2 Toronto.

Nagsalansa­n si Giannis Antetokoun­mpo ng 27 puntos at 13 rebounds sa Milwaukee, habang tumipa si Eric Bledsoe ng 21 puntos at kumana si Brook Lopez ng 11 puntos at 10 rebounds.

WOLVES 103, KNICKS 92

Sa Minneapoli­s, naitala ni Taj Gibson ang season-high 25 pountos, habang tumipa si Jeff Teague ng 20 puntos at 10 assists sa panalo ng Minnesota Timberwolv­es kontra New York Knicks.

Hataw din si rookie Keita BatesDiop sa naiskor na career-high 18 puntos, habang kumubra sina Tyus Jones ng 13 puntos at Dario Saric na may 11 puntos para sa ikaanim na sunod na home-game win ng Minnesota.

Nanguna si Damyean Dotson sa New York na may 26 puntos mula sa 10-for-19 shooting, habang kumana si Allonzo Trier ng 15 puntos.

ROCKETS 94, MAVS 93

Sa Dallas, naungusan ng Houston Rockets, sa pangunguna nina Eric Gordon na may 26 puntos, ang Dallas Mavericks.

Kumubra si James Harden ng 20 puntos, habang umiskor si Clint Capela ng 17 puntos at 12 rebounds para sa Rockets.

Naidikit ni Dwight Powell ang iskor, ngunit ang pagkakatao­n na maagaw ang panalo ay naglahong parang bula nang mabutata ni Chris Paul ang tira ni John Brunson.

Nanguna si Luka Doncic sa Mavs na may 19 puntos.

 ?? AP ?? TINANGKANG pigilan ni Klay Thompson ng Golden State si Phoenix Suns guard Devin Booker sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.
AP TINANGKANG pigilan ni Klay Thompson ng Golden State si Phoenix Suns guard Devin Booker sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines