Balita

May utang na NSAs, walang lusot sa PSC

- Annie Abad

SA kabila ng paghahanda ng lahat para sa nalalapit na hosting ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games, wala pa ring lusot ang mga National Sports Associatio­ns (NSAs) na may unliquidat­ed account sa Philippine Sports Commission (PSC).

Katulad ng naunang pahayag, nilinaw ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na walang makukuhang Financial Assistance ang mga NSAs na may utang pa sa nasabing ahensiya.

“We approved almost all Financial Assistance, pending unliquidat­ion,” pahayag ni Ramirez patungkol sa mga NSAs na naghihinta­y ng kanilang mga suportang pinansyal.

Nilinaw naman ng PSC chief na kahit hindi makatangga­p ang NSA ng suportang pinansyal, dahil sa kanilang utang, hindi naman tatalikura­n ng PSC ang mga atleta kung saan mismong sa atleta nila ibibigay ang naturang suporta.

“We approved the FA for Asian Games, SEA Games, pero ‘yung iba kasi wala pa talagang na liquidate. So dahil sa kasalanan nila, dederetso namin sa atleta,” ayon kay Ramirez.

Noong nakaraang taon ay nagbigay na ng ultimatum ang PSC sa mga NSAs na may utang sa kanila na ayusin at linisin na ang kanilang pagkukulan­g sa nasabing ahensiya, upang maiayos na rin ang kanilang mga kahilingan na FA at hindi na magkaprobl­ema pa sa Commission on Audit (COA).

Ngunit dahil sa may mga NSAs na matitigas ang ulo, mapipilita­n umano ang PSC na ibigay ng deretso sa mismong atleta ang suportang pinansyal para sa paghahanda nito lalao na ngayon nalalapit na ang biennial meet.

“Dederetso na namin sa atleta. Anyway, hindi naman mananalo ng gold ang mga opisyal ng NSAs ‘yung atleta naman eh,” kuwento pa ni Ramirez.

Naglabas din ng hinaing si Ramirez sa ilang NSAs na humihiling ng suportang pinansyal sa kanila para sa ilang mga sports events, na kung saan ay hindi man lamang naisisngit ang pangalaan ng ahensiya sa kanilang mga tarpaulin pagdating sa mga events nito.

“Isa pa, magrereque­st sila ng FA, kahit sabihin na natin na 10M pesos ‘yan, tapos sa tarpaulin, wala man lang ang PSC, tinatanong kami ng COA,” ayon pa sa PSC chief.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines