Balita

Sotto, mangunguna sa NBTC All-Star Game

- Marivic Awitan

PAMILYARID­AD ang ginamit nina Kai Sotto at Joel Cagulangan sa pagpili ng kanilang mga kakampi para sa 2019 Chooks-to-Go SM-NBTC AllStar Game.

Sa pamamagita­n ng drafting, pinili nina Sotto at Cagulangan ang kanilang mga teammates bilang mga kapitan ng Team Hustle at Team Heart ayon sa pagkakasun­od.

Ang Ateneo center na si Sotto na syang hinirang na UAAP Season 81 juniors MVP ay pinili sina University of Santo Tomas standout Mark Nonoy, National University duo nina Gerry Abadiano at Terrence Fortea, at kakampi nya sa Ateneo na si Geo Chiu.

Pinili naman ni Cagulangan sina NU center Carl Tamayo, Inand Fornilos ng La Salle Greenhil, Joshua David ng La SalleZobel at Hope Christian standout Harvey Pagsanjan.

Ang iba pang kakampi ni Sotto sa Team Hustle ay sina Kevin Quiambao ng NU, RJ Abarriento­s ng FEU-Diliman, John Amores ng JRU, Jonnel Policarpio ng Mapua, Forthsky Padrigao ng Ateneo, Bismarck Lina ng UST, at Clint Escamis ng Mapua.

Sina Joem Sabandal ng Adamson, Aaron Fermin ng Arellano, Paolo Hernandez at Dan Arches ng Mapua, Joshua Yerro ng University of Visayas, Mac Guadana ng Lyceum, at Rafael Go ng Chiang Kai Shek ang kukumpleto sa Team Heart.

Tatayong coach si Chris Gavina para sa Team Hustle habang si Charles Tiu naman ang gagabay sa Team Heart.

Sa unang pagkakatao­n sa 12 taong kasaysayan ng NBTC ang mga best high school players mula sa UAAP, NCAA, CESAFI, at MMBL ay binibigyan ng ranggo sa buong taon kung saan ang top 24 players ay mabibigyan ng spots sa taunang showpiece.

Ang 2019 Chooks-to-Go SM-NBTC All-Star Game ay gaganapin sa Marso 23 sa Mall of Asia Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines