Balita

Digong vs medical marijuana, puwede pang maiba

- Genalyn D. Kabiling

Maaaripang­magbagoang­posisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa medical marijuana kung mayroong conclusive scientific evidence tungkol sa therapeuti­c effect nito, sinabi ng Malacañang kahapon.

“Kung definitive na ang finding siguro, he might change his mind,” ani Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Ngunit sa ngayon, sinabi ni Panelo na tutol pa rin ang Pangulo sa legalisasy­on ng medical marijuana para maiwasan ang paglaganap ng drug addiction sa bansa.

Wala pang nakikita si Duterte na definitive clinical finding na magkukumpi­rma na epektibo ang marijuana para sa medical use, ayon kay Panelo.

“I asked him outright, sabi ko Mr. President, yung sa legalizati­on of marijuana. Absolute? Yes. He does not like kasi ang feeling niya you will be using that as an excuse. Baka lumaki nang lumaki lang. Sabi niya ‘Not during my time.’ Sa ibang panahon siguro,” aniya.

Sinabi niya na hahayaan muna ng Pangulo ang medical community na magpasya kung ang paggamit ng marijuana ay magiging epekto para sa paggamot.

“Dinagdagan niya dapat ‘yung medical muna ang mag-decide kung talagang totoong nakakagamo­t ‘yan kasi sa ngayon sabi niya hindi naman definitive ang finding. May nagsasabi na pwede, may nagsasabi ng hindi so he does not want to risk the spread of addiction in this country,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines