Balita

2 patay, 1 duguan sa 'onsehan sa droga'

- Bella Gamotea

Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang babae makaraang pagsasaksa­kin ng dalawa umanong buyer ng ilegal na droga sa Taguig City, kamakalawa.

Dead on the spot sina Salvador Arnesta y Nesta, 34, constructi­on worker; at Joseph Mendoza, 42, constructi­on worker, kapwa ng Block 1 Purok 13, Barangay South Daang Hari, Taguig City, na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Nilalapata­n ng lunas sa ospital si Sharon Lagumbay y Santos, 37, ng nasabi ring lugar, dahil sa saksak sa kaliwang braso.

Samantala, tinutugis sina Ricky Roncales y Despi, 42, constructi­on worker; at alyas Kalbo, na kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pananaksak sa Block 1, Purok 13, Bgy. South Daang Hari sa Taguig City, dakong 9:30 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigas­yon, pinuntahan ni Roncales si Arnesta, at bumili ng umano’y shabu’.

Sinab umano ni Arnesta kay Roncales na hindi siya nagbebenta ng droga, na ikinagalit ng suspek at umuwi.

Bumalik si Roncales kasama si alyas Kalbo, na kapwa armado ng patalim, at pinagtulun­gang saksakin si Arnesta.

Nasaksihan nina Lagumbay at Mendoza ang insidente.

Pinagbalin­gang saksakin ni Roncales si Lagumbay, na tinamaan sa braso at nagawang makatakbo at nagtago sa isang safe house.

Hinabol naman ni alyas Kalbo si Mendoza, na tumakbo sa kanilang kapitbahay ngunit naabutan at pinagsasak­sak.

Mabilis na tumakas mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines