Balita

3 crime gang members, todas nang makorner

- Mary Ann Santiago

Tatlonguma­no’ymiyembron­ggrupong sangkot sa gun-for-hire, carnapping, robbery holdup at pagtutulak ng ilegal na droga ang napatay ng mga awtoridad sa isang engkuwentr­o sa Antipolo City, Rizal nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, ang isa sa mga napatay na si Rammil “Ronron” Escio, umano’y leader ng grupo, at taga-Barangay Bagong Nayon. Hindi pa natutukoy ang pagkakakil­anlan ng dalawang kasama niya.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 10:30 ng gabi nang mangyari ang engkuwentr­o sa Marcos Highway, sa Sitio Painuman, Bgy. Inarawan, Antipolo City.

Lumilitaw na nagsasagaw­a ng checkpoint ang mga tauhan ng Antipolo Police, sa pangunguna nina Insp. Amador Razo at Chief Insp. Joel Custodio, kasama ang Highway Patrol Group (HPG)-Rizal, sa pangunguna ni Senior Insp. Ron Russel Barnacha sa Bgy. dela Paz dahil sa iniulat na insidente ng carnapping at robbery incident sa lugar.

Nang dumaan sa checkpoint ang mga suspek, na sakay sa puting taxi na sinasabing kinumander ng mga ito, kaagad umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek sa mga pulis, ngunit masuwerten­g walang tinamaan.

Kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis hanggang sa makorner nila ang mga suspek sa Bgy. Inarawan.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at mga suspek, na nauwi sa pagkamatay ng tatlo.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga suspek ay miyembro ng isang criminal group na sangkot sa gun-for-hire, illegal drug trade, carnapping at robbery holdup sa lugar.

Narekober umano ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang shotgun, isang .38 caliber revolver, isang .9mm caliber pistol, ang carnapped taxi na sinakyan ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines