Balita

Healing through art,’ sa Western Visayas

- PNA

PAGPIPINTA ang nagbigay-daan upang magsama-sama ang nasa 12 doktor ng Western Visayas para sa isang exhibit at isulong ang paghilom sa pamamagita­n ng sining. Tinawag na “After Clinic Group”, itinuturin­g ng mga doctor-artists ang ganda ng buhay sa pamamagita­n ng kanilang art exhibit, ang “Healing and beyond: Prescripti­ons on Canvass” sa Museo de Iloilo.

Naka-exhibit ang mga sining na likha ng grupo upang makalikom ng pondo para sa mga katutubong pasyente, ayon kay Dr. Eva Catedral, miyembro ngnasabing grupo, sa isang panayam.

Tinawag na “After Clinic” ang grupo dahil kalimitang nagkikita ang mga miyembro nito tuwing alas-siyete ng gabi o matapos ang kani-kanilang duty sa mga klinika at ospital, aniya.

Bilang isang opthalmolo­gist, kabilang sa mga ipinipinta ni Catedral ang mga sakit na may kaugnayan sa mga mata.

Ilan sa kanyang mga obra ay naglalaraw­an ng nakikita ng isang pasyente na may sakit tulad ng glaucoma, astigmatis­m, cataract, o color blindness.

“Even when a person has an eye problem, it is not at all dark and dreary. There are still lines and forms. There is still beauty,” paliwanag niya.

Para naman kay Dr. Dureza Abad, isa pang miyembro ng After Clinic, mainam na paraan ang sining upang matulungan ang mga pasyente, lalo na ang mga dumaranas ng depresyon.

Hangad din niyang maimpluwen­syahan ang mga millennial­s, na nagbibigya­n ng “high expections” mula sa lipunan, upang mailabas ng mga ito ang hirap at stress sa pamamagita­n ng pagpipinta.

“Probably we could influence them on how to deviate and how to control their emotions through art,” aniya.

Bilang isang neurologis­t sa lungsod, sinusubuka­n ni Abad na gamitin ang kanyang “left logical brain” at “right artistic brain”.

“We may look calm in the outside but our system also complains with the stress in our work. The stress manifests in form of sickness that’s why I want to be in relax mode. I found healing in painting. Painting has connection, the healing power,” aniya.

Bukod sa larangan ng ophthalmol­ogy at neurology, may mga miyembro rin ang After Clinic Group na nasa internal medicine.

Ayon kay Catedral, bukas ang kanilang grupo sa iba pang ‘doctor-artists’. Samantala, magtatapos naman ang exhibit ng grupo sa Marso 28.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines