Balita

Seungri, nagretiro sa showbiz

- Ni JONATHAN HICAP

INANUNSIYO ng Big Bang member na si Seungri na magreretir­o na siya mula sa entertainm­ent industry sa gitna ng imbestigas­yong kinakahara­p niya hinggil sa umano’y pagsu“supply” niya ng mga babae sa mga potential investor.

Dahil dito ay labis na pangunguty­a at kritisismo ang natanggap niya mula sa publiko.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, sinabi ni Seungri: “I think it would be good for me to retire from the entertainm­ent industry at this point.”

“I have decided to retire from the entertainm­ent industry as the issues that caused social controvers­y are so great,” kasabay ng pagsasabin­g lilinawin niya ang lahat ng alegasyon na ibinabato sa kanya.

Si Seungri ay suspek sa kasalukuya­ng imbestigas­yon na nagsu-“supply” umano siya ng babae sa mga negosyante para sa isang investment company.

Nagsimula ang isyu nang isang lalaki ang nagreklamo noong January na siya umano ay hinarang sa labas ng Burning Sun club sa Gangnam, Seoul, kung saan si Seungri ay isang board member. Noong Feb. 27, pinatawag ng pulisya si Seungri at sumailalim sa imbestigas­yon sa loob ng 8.5 hours. Mula noon ay nagsimula nang imbestigah­an ng pulisya ang iba pang isyu na kinasasang­kutan ng club kabilang ang drugs.

Giit ni Seungri noong nakaraang buwan, siya ang naging sentro ng kritisismo at galit ng publiko dahil sa ginawang imbestigas­yon ng iba’t ibang ahensya laban sa kanya. Dagdag pa niya, nasa kasalukuya­n siyang sitwasyon kung saan “he cannot allow everyone around him to be hurt”.

“I am very grateful to all the fans in Korea and abroad for their love in the last 10 years,” sabi pa ng singer.

Si Seungri ay nakatakdan­g pumasok bilang isang active duty soldier sa Korean military sa March 25.

 ??  ?? Seungri
Seungri

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines