Balita

South Luzon leg ng Jr. NBA Philippine­s sa Lucena

-

KABUUANG walong batang players mula sa 1,000 kalahok sa South Luzon leg na ginanap nitong weekend sa Manuel Enverga University Foundation sa Lucena City ang napili para makasama sa National Camp ng Jr. NBA Philippine­s 2019, sa ayuda ng Alaska.

Kinakitaan ng kahusayan at magandang character ang apat na batang lalaki at apat na babae sa isinagawan­g training camp. Makakasama sila sa National Training Camp sa Don Bosco Technical Institute Makati sa Mayo 17-19.

Kabuuang 40-boy at 40-girl ang pipiliin para sa training pool.

Sa National Camp, pipili ng players na bubuo sa Jr. NBA Philippine­s All-Stars na sasabak sa first Jr. NBA Global Championsh­ip Asia Pacific Qualifiers kung saan lahaok din sa selection camp sa Hunyo ang ustralia, Indonesia, Malaysia, Philippine­s, Thailand at Vietnam.

Sa Asia Pacific regional competitio­n, pipili ng grupo para maipadala sa Jr. NBA All-Stars at pagkakatao­n na makapanood sa NBA World Championsh­ips sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida. Kalahok sa World event ang United States, Canada, Latin America, Europe, the Middle East, China, Mexico, Africa, India at ang Asia-Pacific.

Inaanyayah­an ang mga kabataan na may edad 10-14 anyos na makilahok sa nakalinyan­g Regional Selection Camps sa Baguio (March 23-24), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 1314) at Metro Manila (April 27-28) sa pamamagita­n ng pagpapatal­a sa www.jrnba.asia/philippine­s.

Narito ang kompletong talaan ng walong napili mula sa Regional Selection Camp sa Lucena City.

(BOYS)F rince Oliver Bueza, 13, Internatio­nal School for Better Beginnings; Ivan Rhoss Rosales, 14, Internatio­nal School for Better Beginnings; Karl Yuan Llanes, 13, De La Salle Lipa; Lionel Matthew Rubico, 14, De La Salle Lipa.

(GIRLS) Krizza Mae Bellen, 13, Dr. Mariah D. Pastrana National High School; Tiffany Jolie Lacsamana, 13, Palawan State University Laboratory and Elementary School; Nicole Rosaldo, 14, Maryhill College; Karylle Sierba, 13, Manuel S. Enverga Memorial School of Arts and Trades.

 ??  ?? MASIGASIG ang mga batang kalahok sa drills ng basketball sa ginanap na Jr. NBA Philippine­s South Luzon leg.
MASIGASIG ang mga batang kalahok sa drills ng basketball sa ginanap na Jr. NBA Philippine­s South Luzon leg.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines