Balita

JAS IN TIME!

Mojdeh, humakot ng anim na gintong medalya sa Tokyo

- Ni EDWIN G. ROLLON

MULA Beijing hanggang Tokyo, impresibo ang kampanya ng swimming internatio­nalist na si Micaela Jasmine Mojdeh.

Muling pinatunaya­n ng 12-anyos na si Mojdeh ang kahandaan para sa highlevel competitio­n nang pagwagihan ang anim na gintong medalya na pawang area record sa katatapos na 2019 AgeGroup Champs Swim Meet sa Tokyo, Japan.

Nadomina ni Mojdeh, pinakamati­kas na junior swimmers sa bansa at pangunahin­g atleta ng Philippine Swimming League (PSL) sa girls 11-12 division, ang 100-meter breaststro­ke (1:18.34), 100m butterfly (1:04.72), 200m Individual Medley (2:30.77), 100m Individual Medley (1:10.19), 50m butterfly (39.70) at 200m freestyle (2:13.01).

Tunay na nakabibili­b si Mojdeh na maging ang hindi paboritong event na 200m freestyle ay nagawa niyang madomina.

“Medyo mataas pa nga po ang mga time niya dahil siguro po pagod na dahil panglimang tournament na po niya ito this year. Pero talagang marami siyang ginulat sa 200m freestyle. Hindi naman niya ito madalas languyin kaya nang matalo niya yung mga lehitimong freestyler, nasabi na lang nila na very good strategy daw,” pahayag ni Joan, ina ni Mojdeh at nagsilbing team manager ng PSL Team na ipinadala sa torneo ni PSL president Susan Papa sa pakikipagt­ulungan ng Filipino-Japanese community sa Tokyo.

Sa nakalipas na buwan, umukit ng kasaysan ang pambato ng Immaculate Heart of Mary College-Paranaque, sa nakopong walong ginto at pitong meet records sa Beijing All-Star Swimming Championsh­ips sa Water Cube – ang pamosong pool kung saan naitala ni American Michael Phelps ang kasaysayan sa napagwagih­ang walong ginto sa 2008 Beijing Olympic.

Sa Beijing, nakamit ni Mojdeh, medal prospect sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre kung mapapabila­ng sa Philippine Team, ang record sa girls 11-12 division ng 200-meter fly (2:17.89), 200m individual medley (2:25.68), 200m breaststro­ke (2:43.51), 100mbutter­fly (1:04.67), 100m IM (1:09.85), 50m butterfly (29.41) at 50m breast stroke (36:13).

Ang ikawalong ginto ay mula sa girl’s 11-12 division 100m breaststro­ke (1.17.77).

“We keep our finger cross na sana po matuloy yung nabalitaan namin na magpapataw­ag ang POC (Philippine Olympic Committee) ng national tryouts para sa lahat ng swimmers regardless of affiliatio­n,” pahayag ni Joan.

Balot sa kontrobers­ya at kaguluhan sa liderato ang Philippine Swimming Inc. (PSI) ni Lani Velasco, ngunit nakakatang­gap pa rin ito ng pagkilala mula sa POC at Internatio­nal Swimming ball Federation (FINA)

Tangan din ni Mojdeh, ang Palarong Pambansa most bemedalled athlete, ang Philippine national junior record sa 100m butterfly sa tyempong 1 minuto at 4.71 na naitala niya sa 152nd PSL National Series, at burahin ang dating marka na 1:05.10 na naitala rin niya sa SICC Swimming Championsh­ip nitong Agosto sa Singapore. Si Mojdeh ang TOPS ‘Athlete of the Month’

 ??  ?? PINAGITNAA­N ng dalawang Japanese competitor­s si Jasmine Mojdeh sa awarding ceremony matapos pagwagihan ang 100-meter breaststro­ke, isa sa anim na event na napagwagih­an, sa 2019 Age-Group Swim Meet sa Tokyo, Japan.
PINAGITNAA­N ng dalawang Japanese competitor­s si Jasmine Mojdeh sa awarding ceremony matapos pagwagihan ang 100-meter breaststro­ke, isa sa anim na event na napagwagih­an, sa 2019 Age-Group Swim Meet sa Tokyo, Japan.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines