Balita

R100K reward vs kumatay sa dalagita

- Ni CALVIN CORDOVA May ulat ni Mary Ann Santiago

CEBU CITY – Hindi bababa sa 20 saksak ang tinamo ng 16-anyos na babae na patay, walang pang-ibabang saplot, at binalatan ang mukha nang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sinabi ni Senior Supt. Lemuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO), na paulit-ulit na pinagsasak­sak ang Grade 9 student saka binalatan ang mukha nito.

“She had stab wounds all over the body but the fatal were the ones in the neck,” ani Obon.

Inihayag kahapon ni Obon na naglaan ang Police Regional Advisory Council ng P100,000 cash na pabuya sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n para matukoy ang pagkakakil­anlan ng mga suspek.

Walang damit pang-ibaba ang dalagita nang matagpuan, pero hindi pa makumpirma ng pulisya kung ginahasa ito dahil wala pang resulta ang pagsusurin­g medikal sa labi habang isinusulat ang balitang ito.

Itinanggi rin ni Obon ang iniulat ng media na winisikan ng matapang na kemikal ang mukha ng dalagita kaya nabalatan ito, at sinabing manu-manong inalis ang balat sa mukha ng biktima gamit ang matulis na patalim.

“We did not notice strong or foul odor in the area and there were no traces of burns in the other parts of the body. What we saw were fresh wounds. The perpetrato­rs used a sharp object to flay the victim’s face,” sabi ni Obon.

Sinabi pa ni Obon na mayroon na rin silang mga “persons of interest” sa kaso, bagamat hindi na nagbigay pa ng mga detalye dahil makaaapekt­o, aniya, ito sa isinasagaw­a nilang imbestigas­yon.

“We are doing our best to arrest the perpetrato­rs. We are hopeful that we can solve this case immediatel­y. With or without pressure from anyone, we will unmask and arrest the persons behind this gruesome incident,” pagtitiyak ni Obon.

Lunes nang madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng dalagita, na ayon sa kanyang ina ay umalis ng bahay upang magsimba sa Sacred Heart Church sa Barangay Pajac.

Ayon sa ginang, noong nakaraang taon pa nagsimulan­g magsilbi sa simbahan ang dalagita bilang collector.

Kinondena naman ng Department of Education ang tinawag nitong “barbaric” na pagpatay sa dalagitang estudyante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines