Balita

Darren, ayaw makisali sa isyu ni JK

- Ni ADOR V. SALUTA

UMIIWAS si Darren Espanto sa mga tanong tungkol sa nakaaway niyang dating kaibigan at kapwa singer na si JK Labajo.

Sa panayam kay Darren sa presscon ng kanyang nalalapit na Aces concert sa Araneta Coliseum on March 30, naitanong sa kanya ang tungkol sa pagmumura ni JK sa nakaraan nitong concert sa Rakrakan Festival.

Hiningan ng opinyon si Darren sa insidente, dahil minura ni JK ang fan makaraan itong sumigaw ng “I love you, Darren!” habang nagtatangh­al ang banda ni JK.

“Para po sa akin, I’d say I’m not the right person na sumagot po dito right now,” sabi ni Darren.

Nabanggit pa ng 17-year old singer na nais na niyang tapusin ang away nila ni JK, kung mabibigyan lang siya ng pagkakatao­n.

“Para po sa akin, as much as possible naman (tapusin ang feud). Opo, I think everyone wants that naman, eh.”

May kinikimkim ba siyang galit kay JK? “Basta, I’d rather not talk about it here in this type of event.”

Still, inurirat pa rin ng ilang press si Darren kung ano ang opinyon niya sa pagmumura at pagdi-dirty finger ni JK sa isang fan.

“For me, the show just goes on and it’s something na .... para po sa akin, it’s just funny. Kasi nageffort pa silang pumunta sa show mo, para gawin ‘yun sa ‘yo. Gusto ko rin siyang pasalamata­n for going there,” mensahe ni Darren kay JK.

Sakaling nasa katayuan siya ni JK and someone shouted at him ng “I love you!” habang nagpeperfo­rm, ano ang gagawin niya?

“[Sasagot ako ng ] ‘I love you, too’ kasi ando’n siya. Ako ang nagpe-perform sa stage (tapos), sinigawan mo ‘ko ng ‘I love you’, babalikan (din) kita ng ‘I love you’,” nakangitin­g sagot ni Darren.

Dalangin din natin na magkaayos na ang dalawang young singers na nag-umpisa ang samaan ng loob makaraang mag-post si JK ng “gayness at its finest” sa account ni Darren, na idinenay naman ng Buwan hitmaker. Depensa ni JK, hindi siya ‘yong nag-post dahil na-hack daw ang kanyang Twitter account.

Busy ngayon si Darren sa kanyang Aces concert on March 30 sa Big Dome, with Lani Misalucha and Jona.

 ??  ??
 ??  ?? Darren
Darren

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines