Balita

Singer-actor na feeling almighty, ‘di sumikat-sikat

- Reggee Bonoan

SPEAKING of issue sa entertainm­ent press, naalala tuloy namin ang isang singer-actor na in fairness ay hindi naman nagmumura sa mga gig niya, pero hindi siya magiliw o nice sa media.

Sa katunayan, hindi siya gusto ng nakararami dahil supladito at feeling almighty kasi nga multi-talented naman talaga siya. Pero kami, dedma lang sa kanya since hindi naman namin siya tsika at napapansin nga rin namin na ‘tila malayo ang loob sa kanya ng mga katoto. Ramdam din namin na ganun din ang singer-actor, hindi rin niya feel ang media.

Pero wala naman siyang

magagawa kasi kailangan niya ang media ang mga para ginagawa niya sa buhay masulat siya at kung ano

Tanda namin, medyo bagets pa siya noong una namin siyang makatsikah­an sa isang food chain na mega-feeling na siya. Sinabihan pa niya ang talent handler niya: “It’s so hot, wala bang aircon? Matagal pa ba?” na ang ibig sabihin ay kung matagal pa ba bago magsimula ang presscon?

O ‘di ba, bata pa lang may attitude na at dala-dala niya hanggang ngayon. Ang ending hindi pa rin siya ganun ka sikat hanggang ngayon. Kilala siya dahil matagal na siya sa industriya at may ilang pelikula na rin siyang nagawa, ‘yun nga lang flopey.

Pagdating naman sa TV projects magilan ilan lang. Hindi rin siya nasasama sa mga teleserye kasi hindi siya makakonek sa masa, kasi nga esekola (sosyal).

Ang ending, so-so lang ang career niya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines