Balita

Contentmen­t, wish ni Julia para sa sarili

- Ni REMY UMEREZ

IPINAGDIWA­NG ni Julia Barretto ang kanyang kaaarawan na napapaligi­ran ng malalapit na kaibigan at siyempre ng kanyang boyfriend na si Joshua Garcia sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

Lamigin pala si Julia, kaya laging may kumot siyang katabi sa pagtulog. She is also a homebody na mas gugustuhin pang mamalagi sa bahay at makipaglar­o sa bunsong kapatid kaysa maglakwats­a.

Lalong tumamis ang mga ngiti ni Julia sa paglitaw ni Joshua as guest sa show, na may limang katanungan para sa birthday celebrant. Sa pakiwari namin ay scripted ang questions para kiligin ang audience.

Kailangan pa bang itanong kung sino ang inspirasyo­n ni Julia?

“Given na ‘yon,” wika ni Julia.

Ang wish ni Joshua para kay Julia ay good health, growth in her career, at alagaang mabuti ang sarili and don’t allow success to go into her head, sabay sabi ng “I love you”.

After blowing the birthday candle on the cake, ano naman ang wish ni Julia para sa sarili?

“To be more patient and balanced. I wish for contentmen­t and happy to be alive. I also want to impart na matutong i-surrender ang lahat sa Kanya.”

What a sight to behold na mistulang a pair of lovebirds ang larawan nina Julia at Joshua habang pinipisil ng binata ang palad ni Julia all throughout the show.

Happy birthday, Julia!

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines