Balita

Senado at Kamara, nagbudget meeting

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, LEONEL M. ABASOLA, BERT DE GUZMAN at BETH D. CAMIA

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Kongreso para maresolba ang impasse sa pagitan ng Senado at Kamara kaugnay sa P3.757trilyon panukalang 2019 budget.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kahapon na mismong ang Punong Ehekutibo ang nagpatawag sa pagpupulon­g.

“Pinatawag na ako ng Presidente mamayang gabi,” ani Sotto sa panayam sa radyo kahapon ng umaga.

Sasamahan si Sotto nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, finance committee chair Sen. Loren Legarda, and Sens. Panfilo Lacson at Gregorio Honasan.

Makakahara­p nila si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at appropriat­ions committee chair Rep. Rolando Andaya Jr. na inimbitaha­n din sa dinner sa Palasyo.

Nilinaw naman ng Palasyo na walang intensiyon si Pangulong Duterte na diktahan ang mga mambabatas na ipinatawag nito kagabi para sa isang hapunan sa Malacañang.

Sa press briefing kahapon ng tanghali, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Atty. Salvador Panelo na nagsilbi lamang moderator ang Pangulo sa pag-uusap para maplantsa ang gusot ng mga senador at kongresist­a sa 2019 national budget.

Kinumpirma ng lider ng Senado nitong Lunes ng gabi na natanggap na ng Mataas na Kapulungan ang pinal na kopya ng 2019 General Appropriat­ions Bill na nilagdan ni Arroyo.

Sinabi ni Sotto na hindi niya lalagdaan ang GAB kapag natuklasan nila na talagang ni-realign ng Kamara ang P79-bilyon sa measure matapos ang ratipikasy­on nito, na idiniin niyang labag sa konstitusy­on.

Ikinalugod din niya ang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi nito lalagdaan ang “illegal” budget.

Sinabi naman ni House Senior Deputy Minority Leader Anthony Bravo na ang mamamayang Pilipino ang magdurusa sa pagkaantal­a ng GAB.

“This Budget is very much needed by our people. Sino ho ang tatamaan dito? Iyong ating mahihirap na kababayan. So I’m appealing to the Senate. Let the President exercise his discretion for the veto power,” ani Bravo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines