Balita

‘Salisi Gang’ member sa NAIA, arestado

- Ariel Fernandez

Iniharap nina Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at Airport Police Chief Investigat­or Roque Alcantara sa media ang Salisi member na si Rey John Manglay y Jamison, 23, na gumagamit din ng mga alyas na Arjhay Valdez at Rey John Feliciano, tubong Isabela.

Nagpasaklo­lo ang biktima na si Harija Panayaman Hamsa, dumating sa bansa nitong Pebrero 27, sa Airport Police Department Intelligen­ce and Investigat­ion Division nang mabiktima ng suspek.

Hiniling ni Hamsa na mapanood ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa isang convenienc­e store sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA)-Terminal 3, at tinukoy ang isang Arjhay Valdez na kumuha ng kanyang mga gamit matapos niyang magbanyo.

Nitong Marso 10, sa ganap na 7:40 ng gabi, nagsasagaw­a ng surveillan­ce si Airport police Diomedes Roca sa NAIA-Terminal 1 Shuttle Bus Transfer Area nang mamataan ang tinutugis na suspek.

Nilapitan ni SPO2 Roca ang suspek at hiningan ng ID, at nadiskubre ang tunay nitong pangalan, base sa kanyang pasaporte, voter’s ID at driver’s license.

Sa beripikasy­on, nagpakita rin umano ng barangay clearance ang suspek, at ang pangalan ay Rey John Feliciano.

Dahil dito, agad na inaresto ang suspek.

Nakuha sa suspek ang pasaporte ni Hamsa, voter’s ID ng isang Evelyn Paran y Berjame, itim na wallet na may 18 piraso ng 25 cents, pitong piraso ng 5 centavo, dalawang piraso ng foreign coins at college ID, PhilHealth ID ng isang Edsnelyn Joy y Paracale at cell phone at powerbank.

Nakatakdan­g isailalim ang suspek sa inquest proceeding­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines